Paghahanda ng Gilas vs. Thailand, pinatitindi

Gusto pa rin ni Gilas Pilipinas interim coach Mark Dickel na mas matindi pa ring paghahanda ng koponan ang gawing pageensayo para sa pagharap nila sa Thailand na nauna ng nakansela dahil sa banta ng coronavirus.
Bagamat, hinihintay pa nila ang petsa kung kailan ito itutuloy ay mahalaga ang pagkakaroon ng kahandaan ng koponan.
Kung puwede lamang ay gawing isang beses kada isang linggo ang praktis para mapaghandaan nang husto ang laban kontra Thailand. Unang ginapi ng national team ang Indonesia, 100-70 sa first window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers. Samantala, kinasuhan ng misis ng nasawing si NBA legend Kobe Bryant na si Vanessa ang operator ng helicopter na naaksidenteng sinakyan ng kanyang mag-ama. Si Vanessa ay naghain na ng kaso sa Los Angeles County Superior Court. Naganap ang pag-anunsiyo ng isinampang kaso ni Vanessa sa gitna ng pagbibigay pugay sa Los Angeles Lakers star at anak nitong si Gianna sa Staples Center.
Bumagsak ang chopper na sinasakyan ni Bryant kasama ang anak niyang si Giana at 7 iba pa noong Enero 26 at walang nakaligtas.





Comments