top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nabulgar: Gabby Lopez, U.S. citizen, inaresto sa pangre-rape sa 21-anyos na polio victim

  • Bobi Tiglao
  • Feb 26, 2020
  • 3 min read

Si Eugenio Gabriel “Gabby” La'O López III — pinuno at may-ari ng media company na ABS-CBN — ay isang U.S. citizen.

Ayon sa ating batas, Pinoy lang at hindi mga dayuhan ang puwedeng magmay-ari at mag-manage ng kumpanya na media kabilang ang mga telebisyon, radyo, diyaryo, magasin at iba pa.

Media ang isa sa mga humuhubog sa isipan ng mamamayan kaya kapag puro kabulastugan o kamangmangan ang mga programang inilalabas ng istasyon, hihina rin ang utak ng sinumang manonood o tagasuporta nito.

May kakaibang kapangyarihan din kapag hawak mo ang kumpanya na media — maaari nilang pabagsakin ang pulitiko kung araw-araw nila itong babanatan tulad ng ginawa nila kina ex-P-Erap at ex-P-GMA.

Kaya hindi puwedeng ibigay sa kung sino lang ang prangkisa para magpatakbo ng mga istasyon ng telebisyon, radyo at iba pa, lalo na kapag sa mga banyaga.

Kapag dayuhan ang nagmay-ari ng mga ito, paniguradong hindi buo ang kanilang “loyalty” sa Pilipinas. Pakialam ba nila kung bumagsak ang bansa natin, hindi naman sila mga tunay na Pinoy?

Tulad na lang ng dayuhan na si Gabby Lopez. Bumibiyahe siya gamit ang kanyang American passport. Ang nag-isyu raw nito ay ang Los Angeles Passport Agency.

Mayroon ding U.S. cable noon pang 1975 na ini-report ni US Ambassador to Manila William Sullivan sa Secretary of State na si Lopez na 23 lang noon ay American citizen na.

Ayon sa U.S. (at iniulat din ng mga diyaryo noong panahon na ‘yun), naaresto diumano si Lopez at iba pang kabataan (at ikinulong sa Camp Crame) matapos silang akusahan ng rape ng 21-anyos na babae na may polio.

Sa U.S. ba ipinanganak si Lopez o isa siyang “naturalized U.S. citizen” noong edad 23 na siya? Ibig sabihin, matagal na siyang naninirahan doon dahil matagal ang proseso ng naturalization.

Kailan kaya lalabas sa kanyang lungga si Gabby Lopez para sagutin ang mga paratang laban sa kanya?

Samantala, tulad ni Lopez, si Maria Ressa na nagpapatakbo ng Rappler, isang online news website ay isa ring U.S. citizen at lumalabag din ito sa batas.

Hindi lang dayuhan si Ressa dahil nabisto rin na ang pamunuan ng Rappler ay tumatanggap ng pera mula sa U.S. na kumpanya na mga “front” diumano ng Central Intelligence Agency (CIA).

Nagsampa na ng kaso laban kay Ressa ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno dahil sa paglabag nito sa maraming batas. Kinasuhan na siya ng Securities and Exchange Commission (SEC), Department of Justice (DOJ) at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Tulad ng ABS-CBN, mahilig din bumanat sa gobyerno ang Rappler kapag hindi dilawan ang nakaupo sa Palasyo. Pero kapag Pamilya Aquino, wala kang negatibong maririnig, bagkus ay puro pampabangong balita lang.

Ito ba ang “standing order” ng mga amo nilang Amerikano?

Malinaw ang sinasabi ng ating Konstitusyon, sa ilalim ng Article XVI, Section 11 (1): “Ang pag-aari at pag-manage ng mass media ay limitado sa mamamayan ng Pilipinas….”

Tulad ng Rappler, nagpapasok din ang ABS-CBN ng mga dayuhan sa kumpanya nito sa pamamagitan ng pagbenta ng mga stock nito na tinatawag na Philippine Depositary Receipts.

Noong 1995, nabigyan ang ABS-CBN ng 25-year na prangkisa para magpatakbo ng kumpanya sa broadcast kung saan lipas na ang prangkisa nito ngayong Marso 30.

Ayon sa 1995 na batas na nagbigay ng prangkisa sa ABS-CBN, “dapat sumunod ito sa mga probisyon ng Konstitusyon.”

Hindi alam ng mga mambabatas noon na U.S. citizen pala si Lopez pero ngayong alam na nila, bibigyan pa rin ba nila ito ng bagong prangkisa?

Kumita nang husto ang ABS-CBN mula noong 1986 nang ibinigay na lang sa kanila ni ex-P-Cory ang kumpanya ng libre kahit matagal na nilang naibenta ito.

Mula noon, lahat ng dilawang pulitiko ay suportado nila at kapag ibang partido, sisiraan nila nang husto hanggang sa bumagsak ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page