top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kaya Iloilo vs. Rovers Singapore agawan sa liderato ng AFC Cup

A. Servinio
Feb 26, 2020
1 min read

Magtutuos ngayong gabi ang Kaya Iloilo ng Pilipinas at bisitang Tampines Rovers ng Singapore para sa solong liderato ng Grupo H sa pagpapatuloy ng 2020 AFC Cup sa Rizal Memorial Stadium. Parehong galing sa mahusay na panalo ang dalawang koponan noong Pebrero 12 at nais nilang panatilihin ito.

Dumayo ang Kaya sa Myanmar para talunin ang Shan United, 2-0, salamat sa mga goal galing kay kapitan Jovin Bedic at Eric Giganto. Tiyak na gagamitin ng todo ng Kaya ang paglaro sa harap ng mga kababayan dahil hindi birong kalaro ang Tampines.

Ito ang unang pagkakataon na mapapanood ng harapan ang mga bagong banyaga ng Kaya na sina midfielder Daizo Horikoshi ng Japan at defender Carlyle Mitchell ng Trinidad and Tobago. Kilala ni Horikoshi ang Tampines dahil naglaro siya sa Singapore Premier League para sa Albirex Niigata noong 2019. Aabangan din ang mga kasalukuyan at dating Azkals na sina Marwin Angeles, Simone Rota, Marco Casambre, Kenshiro Daniels at goalkeeper Louie Casas. Si Coach Oliver Colina ang bagong talagang coach ng Kaya at unti-unti na niyang natuturo ang kanyang sistema sa koponan ng pumangalawa sa 2019 Philippines Football League (PFL) at 2019 Copa Paulino Alcantara.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page