Cinco del Drinco at A.P. Factor, patok

Aarangkada ngayong gabi ang anim Condition Race at isang 3 Year Old and Above Maiden Race sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) sa Malvar, Batangas. Ayon sa MMTCI magaganap ang tatlong 1,400 meters at 4 na 1,200 meters distansiya. Kasabay nito aarangkada ang Winner Take All (WTA) Pick 6, Pick 5, at Pick 4 at Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six.
Unang aalagwa ang CR-19 sa Race 1 at nakalalamang ang Watermania na makakalaban ang Sta. Monica at Crown in my Head. Sa Race 2, magsisimula ng Pick 6 at nakalalamang ang Gintong Lawin, habang makakalaban ang Batang Baclaran at Dancing Partners.
Sa Race 3 umpisa ng Pick 5 at pinapaboran ang tatlong mananakbo mula sa 3 Year Old & Above Maiden Race na pangungunahan ng Palaui Island, Good Reason at Lucky One.
Sa Race 4 magaganap ang Pick 4, pinapaboran ang It’s A Deal at makakalaban ang couple entry na Puso sa Paraiso at Well Said. Sa Race 5, ipinapatok ang couple entry na Cinco del Drinco at A.P. Factor, maglalaban sa forecast ang Jacqueline, Perfect Time at Clear Talk sa CR-17.
Sa Race 6, maghaharap ang CR-18 ang maglalaban ang Oh Lala, I Am the Boss, Clementine, Kalmot Pusa at Barrio San Jose. Sa Race 7, magsisilbing paratingan sa WTA, Pick 6, 5 at Pick 4 ang Magnitude Eight, A Song for Gee, Yoshiko at Couple Entry na Palace in the Sky at Power Hook. WTA-8-2-6/1/1-6/4-5/2/4-5/3-8-7; PICK 6- 1/1-6/4-5/2/4-5/3-8-7; PICK 5- 1-6/4-5/2/4-5/3-8-7; PICK 4- 4-5/2/4-5/3-8-7





Comments