top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Aquino, kumaripas sa Ronda Pilipinas 3rd Lap

A. Servinio/ATD
Feb 26, 2020
2 min read

Naga City – Doble tagumpay si Jerry Aquino ng Scratch It sa pagtatapos ng ikatlong yugto ng LBC Ronda Pilipinas 2020. Wagi si Aquino sa 119 kilometrong karera mula Legazpi hanggang Naga at naagaw din niya ang pulang jersey kay Mark Julius Bordeos ng Bicycology Shop-Army, ang nanguna sa unang dalawang araw.

Umoras si 27-year old Aquino ng 2:47:12, anim na segundo ang agwat sa may 119-km Legazpi-Naga race upang maagaw ang overall individual classification kay Stage 1 winner Mark Julius Bordeos ng Bicycology Shop-Army. Pumangalawa si Ronnel Hualda ng Go For Gold (2:47:18). Sunud-sunod na tumawid ng finish line sina Dominic Perez (2:47:22) at Aidan James Mendoza (2:47:23).

Kasama si Bordeos sa sumunod na malaking pulutong ng 51 siklista na lahat ay binigyan ng parehong oras na 2:47:26. Dahil dito, biglang naglaho ang tatlong segundong kalamangan na inaalagaan niya. May pangkalahatang oras si Aquino na 9:43:39. Bumaba sa pangalawa si Bordeos sa 9:43:46 at pangatlo si George Oconer ng Philippine Navy-Standard Insurance sa 9:43:59.

Kahit walang kasapi na nagtapos ng mataas, nanatili pa rin sa ikalawang sunod na araw ang liderato sa Team Championship sa 7-Eleven CLIQQ Air21 sa pinagsamang oras na 36:08:59. Wala ring pagbabago sa mga humahabol at ang kanilang matinding karibal na Navy ay pangalawa sa 36:11:30 habang 36:11:39 ang Bicycology.

Ang ika-apat na yugto ngayong Miyerkules ay magsisimula sa Daet, Camarines Norte papuntang Lucena City. Sa sukat na 206-kilometro, ito ang pinakamahaba sa 10 nakatakdang yugto at tiyak na masusubukan ang lakas ng binti ng nalalabing 77 siklista lalo na sa mga bulubundukin ng Quezon.

Ayon kay Aquino masaya siya sa kanyang panalo dahil natupad na ang matagal na pangarap na maisuot ang Red Jersey. “Matagal ko nang gustong magsuot ng Red Jersey at sa tingin ko kuha ko ang overall dahil may 10 seconds bonus ako,” masayang sabi ni Aquino.

Ngayong araw isusuot ni Aquino ang Red Jersey bilang hudyat na siya ang may hawak ng overall IC. Dahil sa tindi ng labanan sa unahan ay muntikan nang magkaroon ng aksidente subalit ayon kay Aquino ay nagawan nila ng paraan at naitama nila ang karera upang makaiwas sa anumang aberya.

“Medyo intense talaga kasi ‘yung breakaway nag-aagawan sa puwesto. Muntik pang may semplangan, at least nagawa namin ‘yung plano namin,” ani Aquino. Matapos ang tatlong stages, nakapagtala si Aquino ng siyam na oras, 43 minuto at 39 segundo. Lumagapak sa No. 2 si Bordeos habang umangat naman sa No. 3 si George Oconer ng Navy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page