top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2 gambling lords na ninong daw ni Mayor Isko sa Maynila, untouchables

  • Pabs Hernandez III
  • Feb 26, 2020
  • 2 min read

PARA KAY P-DUTERTE, PALPAK ANG PNP KAYA NASAMA SA DRUG LIST SI ESPENIDO?—Nilinis ni P-Duterte si Lt. Col. Jovie Espenido, “poster boy” ng gobyerno sa drug war kaugnay sa pagkakasama ng pangalan nito sa narcolist.

Dahil nilinis na ni P-Duterte ang pangalan ni Col. Espenido, parang sinabi na rin ng pangulo na palpak ang mga intelligence agents ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa kaya pati ang bata nito (Espenido) ay naisama sa drug list ng Pambansang Pulisya, boom!

◘◘◘

MPD GEN. BALBA, ANDAP KINA GAMBLING LORDS ‘BOY ABANG’ AT ‘DON RAMON’—Dahil sa “war on illegal gambling” ni Gen. Gamboa, karamihan sa mga gambling lords sa Metro Manila ay itinigil na ang kanilang raket, pero ang bookies ni “Boy Abang” at lotteng ni “Don Ramon”, kapwa nagpakilalang ‘ninong’ ni Yorme Isko Moreno ay tuloy pa rin ang operasyon sa Maynila.

Baka naman totoong ‘ninong’ ni Yorme Isko sina “Boy Abang” at “Don Ramon” kaya andap si Manila Police District (MPD) Director Brig. Gen. Bernabe Balba na ipa-”tokhang” ang dalawang gambling lords na ito? Period!

◘◘◘

KAPAG ANG MGA BATA NI GEN. GAMBOA ANG NAKAHULI NG MGA KUBRADOR, SANGKATERBANG HEPE SA MAYNILA ANG MASISIBAK! — Ang raket nina “Boy Abang” at “Don Ramon” ay namamayagpag sa mga lugar na sakop nina MPD-Stn. 1 (Balut) Col. Christopher Navida, MPD-Stn. 2 (Moriones) Col. Magno Gallora, MPD-Stn. 3 (Sta. Cruz) Col. Reynaldo Magdaluyo, MPD-Stn. 4 (Sampaloc) Col. Alex Daniel, MPD-Stn. 7 (Abad Santos) Col. Annie Langcay at MPD-Stn. 10 (Pandacan) Col. Igmedio Bernaldez.

Kapag nakatimbog pala ang mga bata ni Gen. Gamboa sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Integrity Monitoring Enforcement Group (IMEG) ng mga kubrador ng bookies at lotteng sa mga lugar na ‘yan ay sangkaterbang hepe sa Maynila ang sibak sa puwesto, abangan!

◘◘◘

GEN. GAMBOA, TIKLOP SA PNP-REGION 4-A COMMANDER NA TAGA-DAVAO CITY—Ang linaw ng direktiba ni Gen. Gamboa na masisibak daw sa puwesto ang sinumang PNP-regional commander na walang gagawing aksiyon laban sa jueteng.

Ito na ang siste, nang makadale ang PNP-CIDG ng mga maghu-jueteng sa Cavite, “nganga” lang si Gen. Gamboa kasi hindi niya magawang sibakin si PNP-Region 4-A Commander Gen. Vicente Danao, Jr. dahil taga-Davao City ito, ha-ha-ha!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page