top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Trilogy Run Asia, abangan sa Marso

A. Servinio
Feb 25, 2020
1 min read

Tuloy na tuloy ngayong Marso 8 ang pinakahihintay na unang yugto ng Trilogy Run Asia 2020 sa SM Mall of Asia. Ito ang bagong pangalan ng taunang Runrio Trilogy at tiniyak ng Runrio Events na gagawin nila ang lahat para sa kaligtasan at kalusugan ng lahat ng kalahok sa harap ng banta ng Corona Virus Disease.

Gaya ng kinaugalian sa nakaraang taon, sisikapin ng mga mananakbo na mabuo ang isang malaking medalya buhat sa tatlong medalyang makakamit sa tatlong karera.

Tampok sa unang yugto ang Half-Marathon o layong 21 kilometro at mga side events na 10 at limang kilometro.

Lahat ng magtatapos ay gagawaran ng medalya at bag na puno ng regalo buhat sa mga sponsor habang may dagdag na finisher t-shirt ang mga tatakbo ng 21 kilometro.

Kasama sa race kit ang sando, lalagyan ng inumin at numero.

Ang pangalawang yugto ng serye ay sa Hunyo 14 kung saan tatakbo ng Afroman Distance o 32 kilometro. Magwawakas ang Trilogy Asia sa Setyembre 13 sa Philippine Marathon na 42.195 kilometro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page