SoKor, nagpa-panic na, Japan at Singapore, hirap na rin dahil sa COVID-19
- Ka Ambo
- Feb 25, 2020
- 1 min read
NAGPA-PANIC na rin ang South Korea sa COVID-19. Nakupooo!
****
NAHIHIRAPAN na rin ang Japan at Singapore. Delikado ‘yan!
****
MAY sapat na budget at teknolohiya ang Japan at Singapore laban sa anumang krisis. Pero kabado na rin sila!
****
PAANO kaya ang mga bansa na kapos sa badyet tulad ng Pilipinas? Hanggang porma lang ang mga Pinoy sa krisis pero wala namang ibubuga!
****
MALINAW na natatalo ng U.S. ang China sa nagaganap na Ikatlong Digmaang Pandaigdig gamit ang tariff at bio weapons. Luluhod ang China nang walang makasasaklolo!
****
KREDITO kay U.S. President Donald Trump ang pagbagsak ng China. Ang ‘Pinas, kumampi pa sa tiyope o mahina ang tuhod!
****
NAPURNADA ang programang Build, Build, Build ni P-Digong. Hindi na makakatulong ang China!
****
ANG pagbagsak ng China ang magpapahina sa gobyerno ni P-Digong. Mararamdaman ito next year!
****
HINDI nakatitiyak na magwawagi ang manok ng Malacañang sa 2022 elections. Kasi madadamay sila sa epekto ng pagbagsak ng China!
****
KAILANGAN lang maghintay ang mga anti-Digong sa resbak ng U.S. dahil sa ibinasurang VFA. Mahirap talagang kalaban ang U.S.!
****
NAGKALAT ang mga Amboy at espiya ng mga Kano. Sila ay nakakubli sa lahat ng antas ng lipunan!
****
MASUSUKAT ang tsansa ng oposisyon next year. Maraming kakaibang magaganap na sisira sa bansa!





Comments