Singkapal ng goma ang face, ha?.. Aktor, feeling super-guwapo na, mayabang at wala pang utang na loo
- Erlinda Rapadas T.
- Feb 25, 2020
- 1 min read

BLIND ITEM: No offense meant pero hanggang ngayon ay mabigat ang loob namin sa isang dating sikat na aktor na may kaangasan ang ugali at feeling siya na ang pinakaguwapong aktor at pinakamagaling umarte.
Nasaksihan namin ang pagsisimula ng aktor sa showbiz. Payatola pa siya noon at walang appeal. Dati lang daw siyang nagtatrabaho sa isang fastfood chain pero dahil sa malakas sa mga producers ang kanyang manager, nabigyan ang gusgusing aktor ng mga projects at na-makeover nang husto upang magmukhang artista.
Panay-panay muna ang guestings niya sa show ng isang mabait at may-edad nang TV host. May talent fee namang kapalit ‘yun bukod pa sa ilang regalo galing sa sponsors ng show.
Hindi nagtagal, sumikat ang aktor at nakapareha ang ilang sikat na artista. Nagbilang din siya ng mga nakarelasyong artista noon kaya mas lumaki ang kanyang pangalan. Feeling Adonis ang aktor pero kapos naman siya sa kakayahang umarte.
Minsan, may pelikula ang aktor na ipo-promote. Inasahan na ng may-edad nang TV host na dating tumulong sa kanyang career na sa show niya magge-guest ang aktor pero ang daming dahilan nito. Hanggang isa ring showbiz insider ang mismong nakarinig sa sinabi ng aktor na ayaw niyang mag-guest sa show ng may-edad nang TV host dahil laos na raw ito at passé na ang format ng show. Mas gusto raw niyang mag-guest sa katapat na show na mas malakas at napapanood abroad.





Comments