Brand ng mga pekeng baby wipes na kalat na, tinukoy ng FDA
- Jun R. Guillermo
- Feb 25, 2020
- 1 min read

Mga ka-Bulgar, kamakailan, pinag-iingat natin ang mahihilig gumamit ng lipstick dahil naglipana ang mga pekeng cosmetics sa merkado. Ngayon, muli nating tinatawagan ang atensiyon ng mga kababayan nating gumagamit naman ng baby wipes, partikular ang mga ina na gumagamit nito para sa kanilang mga sanggol.
Muling nagbabala ang Food and Drugs Administration (FDA) hinggil sa pagbebenta at paggamit ng ilang brand ng baby wipes na hindi rehistrado sa ahensiya. Ibig sabihin, ito ay mga peke na posibleng makaapekto sa kalusugan ng mga sanggol.
Bilang babala, inilabas ng FDA ang ilang brand ng pekeng baby wipes na hindi dapat gamitin at ito ay ang mga sumusunod…
1. Dong Bang Baby Tender Baby Wipes Fresh Scented Yellow
2. Angels Baby Wipes
Nabatid na sa isinagawang post marketing surveillance ng FDA, napatunayang hindi dumaan sa pagsusuri ng ahensiya ang mga nabanggit na produkto kaya nangangamba ang ahensiya na posibleng makaapekto ito sa mga sanggol lalo na at napakasensitibo ng balat ng mga ito.
Sa ngayon, nananawagan ang FDA na sa ilalim ng batas ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta, pag-angkat, pagluwas at pag-eendorso ng mga produktong hindi rehistrado sa ahensiya.
Nagbabala at nanawagan din ang FDA sa publiko, partikular na sa mga magulang na suki nito na iwasan ang paggamit ng mga natukoy na baby wipes.
Kayo, mga suki, gagamit pa ba kayo ng mga baby wipes kung may pagdududa kayo na baka imbes na maging malinis ang inyong baby ay magka-allergy pa ito sa balat?
Ikaw kaibigan, ano’ng sey mo?
Palaging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!
Ligtas ang may alam.
Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!





Comments