BIR at SEC, nagsalita na, Quo Warranto ng SolGen vs. ABS-CBN, basura lang
TROPA NI CAYETANO, BUSY SA ‘PORK’ KAYA DEDMA SA PRANGKISA NG ABS-CBN? —Inunahan na ng Senado ang House of Representatives sa pagtalakay sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN at ang palusot dito ni Speaker Alan Peter Cayetano ay masyado raw busy ang mga kongresista kaya hindi nila matalakay sa Kongreso ang hirit na panibagong prangkisa ng Kapamilya Network.
Ganu’n? Saan kaya busy ang tropa ni Cayetano, sa pagkuwenta kaya sa kikitain nila sa kanilang mga “pork barrel projects”? ‘Yan kasi ang sinabi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson, na sa kada projects na magmumula sa “pork barrel” funds ay may kickback na 20% ang mga cong., period!
****
SOLGEN. CALIDA, TABLADO SA BIR AT SEC—Sa pagdinig sa Senado, inihayag nina BIR-Large Taxpayers Service Chief Simplicio Cabantac at Securities and Exchange Commission (SEC) Comm. Ephyro Amatong sa komite ni Sen. Grace Poe na walang utang na buwis ang ABS-CBN at walang nagawang paglabag sa corporate laws ang Kapamilya Network.
Kumbaga, parang sinabi na rin nila na “basura” lang ang hirit na ‘quo warranto’ ni Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court (SC) laban sa ABS-CBN, boom!
****
MGA DDS BLOGGERS, GINAGAWANG MANGMANG ANG KANILANG MGA FOLLOWERS SA ISYU NG ABS-CBN—Nasaksihan ng publiko ang sinabi nina Cabantac at Amatong na walang utang na tax at walang violation ang ABS-CBN.
Kung ganu’n, ginagawa lang palang mangmang ng mga DDS bloggers sa pangunguna ni Mocha Uson ang kanilang mga followers sa mga ipinakakalat nilang fake news sa social media na may utang na tax sa gobyerno at maraming paglabag sa batas ang ABS-CBN, tsk-tsk-tsk!
****
HONDA, NOKIA, NISSAN AT WELLS FARGO, MAGSISIPAGSARA DAHIL NAGSESELOS SA MGA POGO?—Inihayag ng multi-national companies na Honda, Nokia, Nissan at Wells Fargo na isasara diumano nila ang kanilang mga kumpanya sa Pilipinas ngayong taon at dahil d’yan, asahan nang libu-libong Pinoy ang mawawalan ng trabaho.
Baka naman nagseselos ang multi-national companies sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) kaya aalis na sila sa Pilipinas.
Palagi silang (Honda, Nokia, Nissan at Wells Fargo) nagbabayad ng buwis, tapos ang mga Chinese na may-ari ng mga POGO, kahit hindi nagbayad ng P50 bilyong tax ay parang okay lang sa gobyerno, joke-joke-joke!





Comments