top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pagiging positibo, sagot sa Social Media bashing at bullying

  • Nancy Binay
  • Feb 24, 2020
  • 2 min read

Huwag nating damdamin ang bashing na ating natatanggap. Wala man tayong kontrol sa gagawin o sasabihin nila, mayroon naman tayong kontrol sa ating reaksiyon at pagtanggap dito.

Ito ay ilan lamang sa mga tip na mababasa sa aking libro, ang “Charcoal Confessions: 46 Home-Brewed Tips vs. Online Bullying”, na ini-launch nitong nakaraang linggo sa Big Bad Wolf Book Sale sa Pasay City.

Tulad ng naunang librong “Make Love Not War” na collaboration ko sa BFF kong si Senyora noong 2018, ang Charcoal Confessions ay naglalaman ng aking mga tip upang labanan ang online bashing at bullying at mag-survive online ngayong laganap na ang paggamit ng social media. Ito rin ay parte ng aking advocacy on how to cope and deal with social media bashing. Ilang tips na rin ang nauna kong inilabas sa aking social media pages noong 2018 at ngayon ay mababasa na ng buumbuo ang aking mga tip sa librong ito.

Na-inspire akong gawin ang Charcoal Confessions dahil na rin sa karanasan ng isang kapwa senador online, tinawag ng ilang netizens na “trapo” at “political butterfly” sa Twitter.

Ito rin ay para sa isang bata na palaging naba-bash dahil sinasabing kamukha ko raw siya. Minsan ay may lumapit na ama sa akin sa airport at nagpa-picture. Ipapakita raw niya ito sa kanyang anak na naba-bash dahil may hawig sa akin. Pagkatapos magpa-picture, sinabihan ko ang tatay na sabihin sa kanyang anak na huwag nang pansinin ang mga namba-bash sa kanya at huwag masyadong dibdibin.

Tulad ng palagi kong sinasabi, appreciate memes, yet be mindful. Natutuwa akong pinaglalaanan ako ng panahon na gawan ng memes, dahil sino ba ako para mag-effort na hanapan ng picture o video? Alam kong mahirap maging subject ng social media bashing, pero sana ay matutunan nating maging positibo all the time.

Nawa’y maging daan ang aking libro patungo rito.

◘◘◘

Mabibili ang “Charcoal Confessions: 46 Home-Brewed Tips vs. Online Bullying” sa Big Bad Wolf Book Sale; sa mga branches ng National Bookstore, FullyBooked, Pandayan Bookshop, at Booksale; maging sa Shopee at Lazada.

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page