top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Mga sikreto nu’ng EDSA People Power, nabulgar na!

Bobi Tiglao
Feb 24, 2020
3 min read

Tulad ng mga nakalipas nang taon, nilangaw na naman ang anibersaryo ng EDSA. Kahit anong pag-apela ng dilawan sa social media, iilan lamang ang mga pumunta sa People Power Monument sa kanto ng White Plains.

Tila wala nang gustong umalala pa sa EDSA People Power Revolution — bistadong kalokohan lang ang nangyari noon! Ngayong hindi na hawak ng dilawan ang gobyerno, lumalabas na ang katotohanan kung ano talaga ang nangyari noong 1986.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga sikretong itinago ng dilawan: Una, maliit lang ang papel ni ex-P-Cory Aquino sa EDSA 1. Si Juan Ponce Enrile at ang kanyang “Reform the Armed Forces Movement (RAM) Boys” ang may primerong papel sa pagsisimula ng EDSA.

Inamin mismo ni Enrile sa kanyang biography na nagbalak silang atakihin ang Malacañang noong Pebrero 23, 1986, para hulihin si ex-P-Marcos at kanyang pamilya at ma-takeover nila ang gobyerno.

“Classic kudeta” ito tulad ng mga nangyayari noon sa Latin America. Pero nakarating kay ex-P-Marcos ang planong kudeta ni Enrile. Napansin ang kakaibang kilos ng mga kolonel ni Enrile tulad nina Gregorio “Gringo” Honasan, Tirso Gador, Rex Robles, Tito Legaspi, Red Kapunan at Felix Turingan. At nang nalaman ni Enrile na nabisto na ang masama nilang balak ay nagdesisyon itong mag-”last stand” sa Camp Aguinaldo.

Nakumbinse niya si ex-P-Fidel Ramos sa kanyang pag-aalsa laban sa gobyerno.

Hindi nakapagtatakang pumayag si ex-FVR. Malamang ay nasabihan na ito na may back-up si Enrile mula sa U.S. sa balak nitong kudeta.

Pangalawa, kaunti lang sa militar ang sumusuporta kina Enrile at sa “RAM Boys”.

Ang ibang matataas na opisyales ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay tapat pa rin kay ex-P-Marcos at sa tinatawag nilang “Chain of Command”. Loyal kay ex-P-Marcos sina Air Force Commander Vicente Piccio, Army Commander Josephus Ramas at Marine Commandant Tadiar.

Kaya lang natalo ang AFP noon kay Enrile ay dahil kay ex-P-Marcos na rin. Ipinag-utos nito sa AFP na huwag nilang atakihin ang mga taong nasa loob at paligid ng Camp Aguinaldo.

Narinig natin ang utos ni ex-P-Marcos noon sa militar: “I-disperse ninyo ang mga tao pero huwag kayong babaril!”

Hindi ba, si ex-P-Marcos ang dahilan kung bakit nagkaroon ng “peaceful” na rebolusyon?

Pangatlo, nakipagnegosasyon si ex-P-Marcos sa U.S. para ma-evacuate siya at ang pamilya niya mula sa Malacañang papuntang Laoag City, ang kapital ng siyudad ng Ilocos Norte.

Ayon sa mga hearing sa U.S. Congress, may order na ang U.S. military para dalhin si ex-P-Marcos at ang kanyang pamilya sa Laoag.

Ngunit, sa halip na pumunta ang helicopter doon ay bumaba ito sa Clark Air Base. ‘Yun pala ay nakatanggap na ang U.S. military ng request mula kay ex-P-Cory Aquino para palayasin si ex-P-Marcos at dalhin na lang sa Hawaii.

Pang-apat, hindi kuwalipikado si ex-P-Cory Aquino na tumakbo bilang pangulo noong 1986 Snap Elections.

Ayon sa umiiral noon na Konstitusyon, ang tatakbong pangulo ay nararapat na naging residente ng Pilipinas nang 10 taon bago ang eleksiyon.

Umalis si ex-P-Cory ng Pilipinas noong 1980 at ilang taon siyang nanirahan kasama si Ninoy sa Boston. Kulang ang kanyang 10 taong residensiya sa Pilipinas.

Bakit hindi umangal si ex-P-Marcos kung ilegal ang kandidatura ni ex-P-Cory? Malamang, inipit na siya ng mga Amerikano.

Panlima, ang PR (public relations) ni ex-P-Cory ay hinawakan ng kumpanya sa USA na Sawyer Miller.

Sila ang nag-train kay ex-P-Cory kung paano magsalita at kung paano idikta ang simpleng mensahe na “diktador si ex-P-Marcos”.

Iniutos din ng mga Amerikano kay ex-P-Cory na ideklara niya na siya ang nanalo — bago pa natapos ang bilangan — “PR strategy” ang tawag dito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page