After ibulgar na stakeholder ng ABS-CBN ang aktres… Vivian, todo-sori at nakipagbati na kay Angel
- Ronalyn Seminiano
- Feb 24, 2020
- 1 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend
Nag-Sorry si Vivian Velez kay Angel Locsin matapos nitong ipagdiinan ang pangalan ng magaling na aktres bilang isa sa Top 100 stakeholders ng ABS-CBN.
Ayon sa Pep.ph, sey ni Vivian, “Don’t be so defensive, my Angel without wings. I do believe you have a good heart in helping others.
“Please try to you, use this kind of passion objectively with the perspective of doing what is right for the whole nation.
“I apologize if you think I maligned you in my FB personal wall post but that was not my intention.
“I’m still a big fan of yours. Peace.”
Matatandaang kamakailan ay nag-viral ang naturang post ni Vivian na niresbakan ni Angel sa Instagram at sinabi ng magaling na aktres na hindi niya alam ang intensiyon ng Film Academy of the Philippines director-general sa pagbubunyag ng mga pangalan ng stakeholders ng naturang network.
Sinuportahan ng ibang Kapamilya artists ang buwelta ni Angel kaya siguro mabilis ding nakarating ito sa kampo ni Vivian.
Anyway, mabuti naman at hindi na pinalaki pa ni Vivian ang issue at nag-sorry din agad.





Comments