top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

ABS-CBN, istayl-People Power sa pagkuha ng prangkisa

  • Ka Ambo
  • Feb 24, 2020
  • 2 min read

Yumao ang nanay ni VP Leni.

Nakikiramay po kami!

◘◘◘

GUMAGRABE ang epidemya ng COVID-19 sa South Korea.

Sa Pilipinas, hindi lang mga Chinese ang pinandidirihan ngayon — kasama na ang mga Korean!

◘◘◘

HIGIT 4,000 lang daw ang lehitimong kawani ng ABS-CBN at hindi 11,000.

Isinama nila pati ang mga viewer para makapamalimos ng simpatiya!

◘◘◘

HINDI maganda ang ginagawang pagpuri ng ABS-CBN sa sarili nilang korporasyon na inilalabas sa sarili nilang TV station.

Isang aktuwal na halimbawa ito ng “hindi patas na pamamahayag”!

◘◘◘

MAKIKITA natin na lihis at ligaw ang esensiya at pilosopiya ng mismong mga ehekutibo ng TV network sa kahulugan ng “patas na pamamahayag”.

Nasa hukuman na ang kaso, hindi dapat ginagamit ng ABS-CBN ang sarili nilang TV station pabor sa kanilang argumento sa korte. ‘Yan ang dahilan kung bakit dapat magkaroon ng gag order.

Agrabiyado ang mga nagreklamo laban sa kanila!

◘◘◘

ASAHAN natin ang pagdami ng simpatiya sa ABS-CBN kasi ginagamit nilang propaganda outfit ang sariling korporasyon na inaakusahan ng “hindi patas na pamamahayag”.

Walang emosyon, kapag humatol ang Korte Suprema, hindi ito popularity contest o paramihan ng “kakampi”!

◘◘◘

KAHIT iisa ang kumakampi sa iyo laban sa isang milyong “tralala” ng mga kalaban — kung ikaw ay tama at nasa batas — ikaw ang kakampihan ng batas.

Ang batas ay hindi paramihan ng testigo — ito ay patindihan ng kredibilidad at garantisadong ebidensiya at argumento!

◘◘◘

HANGGANG ngayon “utak-People’s Power” ang ABS-CBN.

Gusto nilang puwersahin sa “dami ng tao” ang pagkuha ng prangkisa!

◘◘◘

ANG Pamilya Marcos ay biktima ng “puwersa ng maraming tao”.

Idinikta ng maraming tao sa EDSA ang kapalaran ng Pilipinas at sinapawan ang higit na malaking populasyon na nakatira sa Luzon, Visayas at Mindanao!

◘◘◘

MAHIRAP kalaban ang “media” dahil naiimpluwensiyahan nito ang kaisipan, pananaw at opinyon ng publiko.

Kahit mali at hindi totoo — mapagkakamalang “totoo” kahit peke o palpak ang impormasyon na inuulit-ulit ng mga brodkaster na maganda ang tinig, pero walang laman ang utak!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page