4 na lugar, positibo pa rin sa ASF — DA

Nananatiling positibo sa African Swine Fever (ASF) ang apat na lugar sa Pilipinas kabilang ang Camarines Sur, Benguet, Kalinga at Quirino Province.
Kaugnay nito, tiniyak ni DA Spokesperson Assistant Secretary Noel Reyes na patuloy pa ring ipatutupad ang 1-7-10 protocol na ang ibig sabihin ay papatayin ang mga baboy na nasa loob ng one-kilometer radius habang mahigpit naman ang pagmo-monitor sa mga nasa 7-kilometer radius.
“’Yung culling operations ongoing at bago ma-declare ‘yan [na clear], dapat nailibing na lahat, may disinfection, cleaning process,” ani Reyes.
Nauna nang sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na ikinukonsidera nilang bawasan ang culling zone sa kalahating kilometrong radius sa harap ng pinangangambahang kakapusin ng suplay ng baboy sa bansa.





Comments