Time and Again, Kalambogis patok sa Race 1 & 4

Aarangkada ngayong hapon ang 2020 Philracom Rating Based Handicapping System at Condition Race, Condition Race Merged at 3 Year Old Group Race sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Magaganap ang 10 laban sa distansiyang 1,400 meters na paglalabanan ng 8 Philracom-RBHS, isang CR-17 at isang 3 YO Group Race-(7), habang dalawa ang maglalaban sa Condition Race Merged 10 sa distansiyang 1,500 meters.
Unang aalagwa ang PRBHS-Class 2 at ipinapatok ang Time And Again, makakalaban ang couple entry na Sooner Time at Don Albertini,
Magtotobetsky, at Most Trusted.
Kasunod na maghaharap ang PRBHS-Class 4 sa Race 2 simula ng Winner-Take-All (WTA) at paglalabanan ng couple entry na You Never Know at Sky
Plus, couple entry na Caraga Storm at Blind Item at Double Sunrise.
Sa Race 3 umpisa ng 1st Pick 6 pinapaboran ang Band Halo, habang mahigpit na makakalaban ang Pano Mo Nasabe at Lady Arya sa PRBHS Class 5. Sa Race 4 magaganap ang 1st Pick 5, ipinapatok ang Kalambogis habang maglalaban sa forecast ang Claudia’s Pride, couple entry ang Genie Hello at Perfect Lover, Lady Zip at Diwalwal sa pag-alagwa ng CR-17.
Habang sa Race 5, simula ng 2nd WTA maglalaban ang PRBHS Class 4, nakalalamang ang Great Style habang mahigpit na makakalaban ang Trust Worthy.
Sa Race 6, maghaharap ang Condition Race Merged 9 nakalalamang ang Change the Racer, Full Steam at Victorious Colt simula ng 2nd Pick 5. Sa Race 7, maghaharap naman ang PRBHS Class 4 at paglalabanan ang Golden Casino, Pendant, Speak Easy at Gonzee’s Bet simula ng 2nd Pick 6.
Maghaharap sa pagtikada ng PRBHS Class 4, simula ng Pick 5 at maglalaban ang Rocking Star, Isla De Zap at Bispag sa Race 8. Sa Race 9 ng 3 YO Group Race, maglalaban ang Spuntastic at Couple Entry na Blazing Bullet at Arrogante habang sa Race 10 ng PRBHS Class 4 nakalalamang ang Super Inday habang ang Et Al at Ifyourhonorplease ang makakalaban.
Sa Race 11 ng PRBHS Class 5 maghaharap ang Above the Knee, Fire Bull, Konzeelanz at Quiet Whisperer habang sa CR Merged 10 maghaharap sa distansiyang 1,500 meters ang Lucky Visit, ang couple entry na Hamlet at Lemonada at Righteous Ruby.





Comments