Sandra Cam at Leila, mortal enemies noon, magiging magkakosa na ngayon
- Pabs Hernandez III
- Feb 23, 2020
- 2 min read
DARATING ANG PANAHON, CHINESE NA ANG MAY KONTROL NG POWER, TRANSPORTATION AT COMMUNICATIONS SA BANSA — Inaprubahan na ng tropa ni Speaker Alan Peter Cayetano sa Kongreso ang panukalang-batas na “full foreign ownership” sa power, transportation and communication industries.
Dahil d’yan, asahan nang darating ang panahon na ang may kontrol na ng supply ng kuryente, public transport at telecommunications sa Pilipinas ay mga Chinese, boom!
***
WALANG PAKIALAM ANG TROPANG DDS NI MOCHA KUNG MAWALAN MAN NG TRABAHO ANG 11, 000 WORKERS AT TALENTS NG ABS-CBN — Ang unang tirada ng mga DDS blogger sa pamumuno ni Mocha Uson ay dapat i-shutdown na ang ABS-CBN dahil hindi ito nagbabayad ng tax sa gobyerno, pero nang ihayag ni BIR Deputy Comm. Arnel Guballa na walang utang na buwis ang Kapamilya Network, ang panibagong banat nila ay dapat isara na ang TV network dahil 103 manggagawa raw ang sinibak sa trabaho noon ng mga Lopez.
Pambihira, porke may sinibak na 103 manggagawa na hindi naman alam ng publiko ang isyu sa sibakang ito noon, eh, ang gustong mangyari ng tropa ni Mocha ay i-shutdown na ang ABS-CBN para ang 11,000 workers at talents ng Kapamilya Network ay maging jobless na rin, tsk-tsk-tsk!
***
NAGMUMUKHANG KONTRABIDA SI ROBIN SA KABABANAT SA DOS — Dati ang tingin ng publiko kay Robin Padilla ay bida, pero sa mga banat niya ngayon sa dati niyang pinaglilingkurang ABS-CBN, nagmumukha na siyang kontrabida.
Nakiki-‘shutdown’ na rin siya para maipasara ang Kapamilya Network at mistulang wala siyang pakialaman kung maging tambay man ang 11,000 manggagawa ng Dos, boom!
***
MORTAL NA MAGKAAWAY NA SINA SANDRA AT LEILA, MAGIGING MAGKAKOSA NA SA SELDA — Kabilang si PCSO Board Member Sandra Cam sa sinampahan ng kasong murder ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pagpatay kay Vice-Mayor Charlie Yuson III ng Batuan, Masbate noong Oct. 9, 2019.
Kapag guilty ang naging hatol ng korte kay Sandra, pagkakakulong ang aabutin niya at malamang, magiging magkakosa na sila sa selda ng mortal niyang kaaway na si Sen. Leila de Lima, abangan!





Comments