Problemado sa pamilya at love life.. Grade 10 nagbigti gamit ang kadena ng aso

Isang Grade 10 student ang ginagamot sa ospital makaraang magbigti sa Cagayan de Oro City.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, ipinagtaka ng mga kaklase ng biktima ang hindi nito pagpasok kaya pinuntahan sa kanilang bahay kung saan naabutan nila itong nakabitin gamit ang kadena ng aso. Mabilis na isinugod sa ospital ang bata na patuloy pang ginagamot.
Samantala, problema sa pamilya at love life ang sinasabing motibo ng binatilyo sa tangkang pagpapakamatay.
Una na rin umanong nagbanta ang biktima na magpapakamatay kung iiwanan siya ng kanyang kasintahan.





Comments