top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagod at puyat na staff, binuhusan na raw ng tubig, aktor pinupuri pa rin… Sey ni Robin: “Ipagtanggo

  • Ronalyn Seminiano
  • Feb 23, 2020
  • 4 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Nag-post muli si Robin Padilla sa kanyang Instagram account bilang sagot sa mga patutsada sa kanya ng beteranang manunulat na si Manay Lolit Solis.

Sabi kasi ni Manay Lolit sa IG post niya kamakailan, hanga siya kay Coco Martin dahil sa pagiging gentleman nito at hindi pagpatol sa mga tirada ni Robin. Aniya, kung talagang apektado sa ginawang pambubuhos ng tubig ni Coco ang mga sinabi ni Binoe na ‘inapi’ ng Ang Probinsyano lead actor ay magrereklamo raw ang mga ‘yun.

Sey pa ni Manay Lolit, “Shoot the moon ang mga banat ni Robin, hindi mo alam kung saan nanggagaling, kaya the best way is to keep quiet, wala lang, kibit-balikat lang. Iyon ang tunay na validation ng pagiging tunay na lalaki, magsalita lang ‘pag nasa punto, sumagot lang sa issue at huwag kung anu-anong bagay ang idinadamay. Sa issue nga na ito, winner ang puwesto ni Coco Martin, quiet and may substance. Iyon kay Robin Padilla, parang all bark no bite ang dating. Talagang you cannot argue with success.”

Bahagi naman ng sumunod na post ni Manay Lolit, nilinaw niyang hindi siya galit kay Robin at iginagalang at hinahangaan niya ang concern ng action star sa maliliit na tao sa industriya, pero aniya, “‘Yun lang punto ko, puwede mo silang tulungan, i-voice out ang maling trato sa kanila kung meron man nang hindi mo kailangang idamay ang iba.

“Bakit kailangan mong banggitin ang mga pangalan nina Coco Martin at Dingdong Dantes? Kung nagkaroon sila ng issue, hayaan mong ‘yung ‘biktima’ nila ang magsalita, bilang lalaki, hindi ka dapat ‘magturo’ ng iba.” Kahapon, Feb. 22, post naman ni Robin sa IG, “God is great! Pambihira, nabasa ko ang mga banat at tira sa akin ni Nanay Lolit. Hindi po kita sasagutin dahil nanay po kitang turing, papakinggan ko po lahat ang sinabi mo po, pero hindi ko po kailangang sundin kaya’t bilang artista po, pakinggan mo rin po ang sinasabi ko po.

“Ang ginagawa ko po ay pakikipaglaban para sa karapatan ng mga maliliit na manggagawa ng ABS-CBN at Nanay Lolit, ang pagbuhos po ng tubig ay totoong naganap at mismong ang Reyna ng Pelikulang Pilipino ang nagbawal po kay Direk Coco na ‘wag gagawin ‘yun dahil po kahit minsan ay hindi po ginawa ‘yun ng Hari ng Pelikula na si FPJ. Salamat po.”

Tinawag din ni Robin ang pansin ng isang head ng ABS-CBN dahil sa diumano’y pambubuhos ng tubig ni Coco sa isang crew ng teleserye niyang FPJ’s Ang Probinsyano.

Aniya, “Ngayon, itong si Eric John Salut, nakalimutan mo na ba kung sa’n ka galing bago ka nakarating sa mataas na palapag ng ABS-CBN? Ang mga CREW sa pelikula at telebisyon ay 24 oras na nagtatrabaho, kukunsintihin mo na buhusan ng tubig kahit biruan lang, pambihira ka naman. Puyat ‘yan, walang tulog, wala namang mga tent ‘yan para matulog at magpahinga. Breaktime nga niyan, nagiging RIGODON pa. Hindi naman makakaangal ang mga ‘yan sa kahit kanino, madalas makitawa lang kahit napapahiya dahil nakikisama lang sila. Kung gusto n’yo magbiruan, eh, di kayong mga may sariling kotse, service at mga tent sa taping pero ‘yung mga taong naghihikahos sa hirap, ‘wag n’yo nang isama sa mga katarantaduhan ninyo, eh, kung MAPASMA ‘yan, eh, di may problema na naman sila kung sa’n kukuha ng pambili ng gamot?

“Dapat nga ‘yun hinayaan ninyong makaidlip. Tulog, bubuhusan n’yo ng tubig. Subukan ninyong gawin sa set ko ‘yan, subukan ninyong buhusan ng tubig sa harap ko ang natutulog na crew.

“Ang mali ay mali. ‘Yung CEO nga ng ABS-CBN at boss natin na si Sir Carlo, umamin na may mga pagkukulang at hindi perpekto, pero ikaw, pinipilit mo pa rin na banal kayo at walang pagkukulang.

“Ipagtanggol ninyo ‘yung MGA Maliliit na manggagawa n’yo, hindi ‘yung mga artista ninyo. Action star ‘yan, kaya niya ang sarili niya.

“Inuulit ko, hindi ako tutol sa renewal. Huwag lang nating sayangin ang pagkakataong ito na i-negotiate ang nararapat na estado at pagtrato sa mga ordinaryong manggagawa. Dahil pagkatapos nito, 25 years na naman bago sila mapakinggan.”

Dagdag pa ni Robin, “Walang mangyayaring pagbabago sa sitwasyon ng nasa ibaba kung puro papuri at salmo ang awit ng mga nasa taas. Kailanman, hindi maririnig ang hinagpis ng mga ordinaryo, kaya ako nananawagan sa mga superstars na ipahiram din ang boses dahil tanging sila ang pinapakinggan, at ngayon lang ang pagkakataon pagkatapos ng 25 years.

Ang pag-aaral tungo sa pagtama ng mga mali at pagkukulang ang tawag ng panahon. Ngayon. You have all the time to sing praises for ABS-CBN in the next 25 years.”

Dahil open ang comment section ng nasabing post ni Binoe, muli itong pinagpiyestahan ng mga netizens at nag-iwan ng kani-kanyang opinyon.

Sa totoo lang, may punto naman talaga si Robin. Sinabi na rin niyang hindi siya tutol sa renewal ng prangkisa ng Dos, ang tanging ipinupunto lamang niya ay ang mabigyan ng tinig ang mga maliliit na manggagawa na hindi makakapalag sa paraan ng pagtrato sa kanila ng mga mas nakatataas.

Anyway, sana ay maging matalino ang pamahalaan sa magiging desisyon nila hinggil sa prangkisa ng ABS-CBN at kung sakali man ay alalayan dapat nila ang mga manggagawang maaapektuhan nito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page