top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kung sa secret wedding, sumugod ang madir… Parents ni Sarah, 'di sisipot sa kasal nila ni Matteo

Erlinda Rapadas
Feb 23, 2020
1 min read

Teka Nga / Erlinda Rapadas

So, wala rin palang nagawa si Mommy Divine Geronimo upang hadlangan ang kasal ng kanyang anak na si Sarah sa BF nitong si Matteo Guidicelli na ginanap noong Huwebes ng gabi, Feb. 20, 2020 sa Shangri-La Hotel sa BGC, Taguig. Ito ang petsang napili nina Sarah at Matteo dahil lucky “8” ang sumatotal ng 02-20-2020.

Nagawang ilihim ng magkasintahan ang plano nilang civil wedding. Maging ang mga kasamahang judges ni Sarah sa The Voice Teens ay walang naramdaman na may big event na mangyayari sa buhay nito dahil nagteyping pa siya nu’ng araw ng kanyang kasal.

Nagkaroon lang ng commotion nang sitahin ni Matteo ang bodyguard ni Sarah na diumano’y nagsumbong kay Mommy Divine tungkol sa kasalang naganap kaya napasugod ang ina ng Pop Star sa venue.

Walang media na nakakuha ng pahayag ni Mommy Divine. Hindi rin nabalita kung nakapag-usap nang masinsinan si Sarah at ang kanyang ina matapos ang kasalang naganap.

Anyway, may church wedding pa sina Sarah at Matteo sa Italy na naka-set sa March 29, 2020. Posibleng hindi raw dumalo at makadalo sina Mommy Divine at Daddy Delfin dahil wedding anniversary din nila ‘yun.

Ngayon, ang tanong ng mga netizens, sa dami ng naipundar na properties ni Sarah mula sa kanyang kinita simula noong 14 years old pa lang siya, may nakapangalan kaya mismo sa kanya at handa ba itong ibigay ni Mommy Divine ngayong nag-asawa na ang Pop Princess.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page