Grade 5 dinukot, pinatay

Natagpuang wala ng buhay ang 10-anyos na babae sa magubat na lugar sa Bgy. Ilayang Alsam, Tayabas City, Quezon.
Alas-10:40 ng umaga nang madiskubre ng kanyang tiyuhin ang labi ng biktimang si Kaycee Oabel, Grade 5 pupil, residente sa naturang lugar.
Basag ang bungo na posibleng hinataw ng matigas na bagay sa ulo. Inaalam din kung pinagsamantalahan ang biktima bago pinatay.
Samantala, ilang araw na umanong nawawala ang biktima bago natagpuan sa nasabing lugar.





Comments