Dagdag-presyo sa gas
- Gina Pleñago
- Feb 23, 2020
- 1 min read

Matapos ang serye ng rollback noong Enero, isa namang taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang inaasahan sa Martes, Pebrero 25.
Tinatayang nasa P0.30-P0.40 ang dagdag-presyo sa kada litro gasoline, P0.30-P0.40/litro sa kerosene habang sa diesel ay P0.10-P0.20/litro.
Ayon sa mga taga-industriya, unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon sa China kasunod ng pagkalat ng COVID-19.





Comments