1 week ultimatum.. Jueteng, stop! — PNP

Binigyan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa ng isang linggo ang mga opisyal nito sa mga rehiyon sa bansa para sawatahin ang operasyon ng mga ilegal na sugal tulad ng jueteng sa kanilang nasasakupan.
Babala ni Gen. Gamboa, masisibak sa puwesto ang mga opisyal na hindi makasusunod sa direktiba.
Noong Miyerkules, inihayag ni Gen. Gamboa na nagpadala na ang PNP ng listahan ng mga illegal gambling operator sa kani-kanilang area of responsibility.
Kinakailangan lamang aniya na aksiyunan na ng mga regional police officer ang pagpapasara sa illegal gambling operations kung ayaw mapanagot ng PNP.
Kasabay nito, ipinaalala rin ng heneral sa mga pulis na ipinagbabawal ang pagtanggap ng suhol mula sa illegal gambling operators.





Comments