SRP sa mga produktong agrikultura, inilabas na ng DA
- V. Reyes
- Feb 22, 2020
- 1 min read

Nagtakda na ng suggested retail price (SRP) ang Department of Agriculture (DA) sa mga pangunahing produktong pang-agrikultura upang maprotektahan ang mga konsiyumer laban sa iregularidad sa presyuhan sa merkado.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, sa ilalim ng Price Act ay inaatasan ang kagawaran na magtakda ng SRP sa lahat ng basic necessities at prime commodities.
Gayunman, nilinaw ni Dar na sa ilalim ng Administrative Circular No. 01, masasakop ng SRP ang merkado sa Metro Manila lamang.
Kabilang sa mga mayroon nang itinakdang SRP ay ang mga sumusunod: Pork (pigue/kasim) - P190 kada kilo
Chicken (whole, dressed) - P130 kada kilo Sugar (raw, brown) - P45 kada kilo Sugar (refined) - P50 kada kilo Bangus (cage-cultured) - P162 kada kilo Tilapia (pond-cultured) - P120 kada kilo Galunggong (imported) - P130 kada kilo Garlic (imported) - P70 kada kilo Garlic (local) - P120 kada kilo Red onion (imported) - P95 kada kilo
Kasabay nito, nakipagtulungan na rin ang DA sa Department of Trade and Industry (DTI), Department of Interior and Local Government (DILG) at mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila upang mahigpit at regular na bantayan ang galaw ng presyo sa mga pamilihan at patawan ng parusa ang mga magsasamantala o aabuso.
Magiging epektibo ang SRP sa Lunes, Pebrero 24.





Comments