top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Skaters, mas mahahasa sa sariling pasilidad sa ‘Pinas

  • MC
  • Feb 22, 2020
  • 2 min read

Tunay na kabibiliban ang Pinoy skateboarders na patuloy na namamayagpag, sa kabila ng kawalan ng isang tunay at world-class training facility. At para kay Carl Sembrano, bagong halal na pangulo ng Skateboarding and Rollerskates Sports Association of the Philippines (ARSAP), malaki ang tsansa ng Pinoy – hindi lang isa bagkus higit pa – na makalaro sa 2020 Tokyo Olympics.

“Kahit ako talagang nagugulat sa ipinakikitang galing ng ating mga skaters. After dominating the SEA Games, tuloy ang magandang performance natin particularly abroad. To tell you, frankly, ako mismo nagugulat sa kanilang galing, despite the fact, that we have no international standard training facility,” pahayag ni Sembrano. “Sa US tournament, halos isang oras lang nagsanay ang ating skaters sa facility na first time lang nilang nalaruan. After the event, No.5 si Margielyn Didal. What more kung meron tayong pasilidad na pagsasanayan nila. “Kaya po kami ay dumudulog sa pamahalaan at sa pribagong sektor na tulungan kami na makapagpatayo ng pasilidad na batay sa international standard. Ang PSC at POC po ay sumusuporta sa amin sa lahat ng aspeto pero iba po ‘yung sarili naming pasilidad,” aniya.

May itinayong skateboarding facility sa Tagaytay City na ginamit din sa 39th SEAG nitong Disyembre, ngunit sinabi ni Sembrano na hindi ito international standard dahil gawa lang sa mahihinang material. “But, again, despite of this, our skaters won six gold medals with Didal dominating the SKATE and women’s street skate completion,” sambit ni Sembrano sa kanyang pagbisita sa (TOPS) ‘Usapang Sports.’ Kasama niyang dumalo sa lingguhang sports forum sina SEAG gold medalist (downhill) Jaime de Lange at SEAG silver winner (Street) Mark Feliciano, gayundin ang koponan ng Quezon City Defenders ng National Basketball League (NBL).

Tulad ni Didal, kasalukuyang No. 8 sa World Ranking ng Street event, nakatuon din ang pansin nina De Lange at Feliciano, gayundin ang iba pang miyembro ng National Team para sa pagsabak sa Olympic qualifying event sa abroad. “Because of the corona virus scared hindi nakasali ang ating mga skaters sa Olympic qualifying sa Hong Kong and Australia. Meron pa namang nakalinya na puwede naming salihan and hopefully, makakuha tayo ng slots for the Tokyo Games,” aniya.

Para kay De Lange, hindi lamang ang Olympics ang kanyang pakay bagkus ang maparami ang kabataang Pinoy na sumubok na lumaro ng skateboarding. Sa kasalukuyan, nagsasagawa siya ng skateboarding clinics ng libre sa Filinvest, Muntinlupa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page