top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

P-Digong, takot mapabalik ng ‘Pinas ang mga OFWs sa China, mga Chinese hindi maipa-deport

  • Pabs Hernandez III
  • Feb 22, 2020
  • 2 min read

TAWAGAN LANG NI CHINESE PRES. XI JINPING SI P-DUTERTE, TABLADO NA ANG DEPORTATION SA MGA CHINESE NA NABIYAYAAN NG ‘PASTILLAS SCHEME’—Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ipade-deport daw ng gobyerno ang mga Chinese na nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng “Pastillas Scheme” o “lagayan” sa Bureau of Immigration (BI).

Sa tingin natin, malabong mangyari ang deportation na ‘yan kasi sa isang tawag lang ni Chinese Pres. Xi Jinping kay P-Duterte, tiyak wala nang magaganap na deportation sa mga Chinese POGO workers sa bansa, period!

***

KUNG SI P-DUTERTE ANG TATANUNGIN, AYAW NIYANG MAY MA-DEPORT NA CHINESE—Kung susuriin, tila propaganda lang ang sinabing ‘yan ni Panelo kasi iba ang ‘stand’ ni P-Duterte kung deportation sa mga Chinese workers ang pag-uusapan.

Matatandaang, noong manawagan ang publiko na i-deport ang mga illegal Chinese workers sa bansa dahil inaagawan ng trabaho ang mga Pinoy ay kinontra ito ng pangulo.

Ayon sa pahayag nito, “Iyong mga Chinese sa bansa, hayaan mo ‘yan na magtrabaho. Hayaan mo. Bakit? We have 300,000 Filipinos in China. Kaya hindi ako makasabi o umalis kayo rito, deport ka roon. Eh, kung bigla pabalikin ‘yung 300 [thousand] of them?” boom!

***

NAGING ARMY RESERVIST LANG, MATTEO, NANANAPAK NA NG KAPWA—Sinapak daw ng aktor na si Matteo Guidicelli ang bodyguard ni Sarah Geronimo dahil sinabi raw nito sa mga magulang ni Sarah na ikinasal na sila (Matteo at Sarah).

‘Yan ba ang natutunan ni Matteo sa pagpasok niya bilang army reservist, ang manakit ng kapwa? Buwisit!

***

PNP-IMEG, KAYA WALANG NAHULING KUBRADOR SA CAMANAVA KASI MAY NAG-‘HUDAS’ NA PARAK?—Nagtungo sa Caloocan City, Malabon City, Navotas City at Valenzuela City ang grupo ng PNP-Integrity and Monitoring Enforcement Group (IMEG) para manghuli ng mga kubrador ng jueteng at STL-Pares, pero wala silang natiklo dahil biglang itiniklop daw ng ilegalistang si “Jun Moriones” ang kanyang raket sa CAMANAVA.

Naku, tila may ‘hudas’ na parak na “patong” sa illegal gambling ang nagtimbre sa kampo ni “Jun Moriones” na i-stop ang kanyang raket dahil may mga manghuhuli ng mga kubrador ng illegal gambling kaya walang natiklo ang PNP-IMEG sa CAMANAVA area, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page