top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Motor sinalpok ng kotse, 4 patay

  • V. Reyes
  • Feb 22, 2020
  • 1 min read

Photo: Manapla Police (left)

Patay ang apat katao kabilang ang isang menor-de-edad sa salpukan ng kotse at motorsiklo sa Manapla, Negros Occidental, kahapon ng madaling-araw.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nakikipaglamay at nakaupo ang 15-anyos na estudyanteng si Jeljuredu Labrador sa nakaparadang motorsiklo nang banggain at kaladkarin ito ng kotse hanggang sa mahulog sa kanal sa Bgy. Tortosa.

Nasawi ang binatilyo gayundin ang tatlo sa limang pasahero ng kotse na sina Angeles Salmorin, Delina Cabana at Dolores Granada.

Ayon kay Manapla Police Chief Captain Jaynick Bermudez, posibleng nakaidlip ang drayber ng kotse na maghahatid sana ng mga pasahero sa isang faith healer sa Capiz City.

Agad namang naisugod ang mga nasugatang biktima sa insidente habang patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page