Good effect ng pagsasara ng ABS-CBN
SUMABIT sa korupsiyon ang mga Immigration officers. Huh, dati na ‘yan, eh!
***
TINEPOK ang dating legal officer ng BuCor. Isa pang tanggapan na batbat ng katiwalian!
***
MARAMI nang negosyo ang nagsasarado sa China. Apektado ang suplay ng pekeng produkto sa Divisoria!
***
PINALALAYAS na ang POGO. Lalayas na rin ang mga salaulang Chinese sa mga condo sa Metro Manila!
***
MAWAWALAN daw ng trabaho ang 11,000 obrero kapag nagsarado ang ABS-CBN. Puwede naman silang bumili ng airtime sa ibang TV stations. Ganu’n lang kasimple ‘yun!
***
ANG talent ay talent, puwede silang i-hire ng kabilang station. Digital age na ngayon, paggamit ng “air waves” ang ipinagkait sa ABS-CBN — pwes, puwede nilang gamitin ang internet at mag-digital!
***
MATAGAL nang pinaplanong gawing digital ang panonood sa mga programa — tulad ng Netflix — napapanood ang pelikula nang walang “air waves”. ‘Yan ang inobasyon. Mula sa krisis, susulong ang media industry!
***
HIWALAY na isyu kung nakatutulong o hindi ang ABS-CBN sa publiko. Ang isyu ay kung may nilabag ba silang mga batas. Kung wala silang nilalabag, dapat kalmante na ang lahat at itigil ang “propaganda”!
***
KUNG lehitimo na tumanggap ng “ayuda o anumang klase ng sosyo” mula sa dayuhan ang ABS-CBN ay wala namang problema. Dapat hindi nagpa-panic ang ABS-CBN at ipaubaya sa korte ang kanilang kapalaran!
***
HINDI prangkisa ang problema ng ABS-CBN kaya walang maitutulong ang Senado at Kamara. Ang problema ng ABS-CBN ay kuwalipikasyon o kung lehitimo ang proseso sa existence ng kanilang korporasyon sa media. Kapag idineklara ng Korte Suprema na illegal ang ginawa ng ABS-CBN, dalawa pang malalaking TV stations ang puwedeng ipasarado. Hindi isyu rito kung anti-Digong o pro-Digong ang mga TV stations na ito!





Comments