Paraan para malaman kung dapat nang operahan ang katarata
- Shane Ludovice
- Feb 22, 2020
- 2 min read
Dear Doc. Shane, Last week ay nagpunta sa eye specialist ang nanay ko dahil parang may ulap daw siyang nakikita sa kaliwa niyang mata. Nang ma-check-up ang mata niya, sabi ng doktor ay meron daw siyang katarata at puwede na ring operahan kung gugustuhin namin pero sinabi namin na babalik na lang kami.
Gayunman, ang sabi ng nanay ko, okay pa naman daw ang kanyang paningin kaya binigyan lang muna siya ng eyedrop para rito. Kailangan ba talagang operahan na ito kahit okay pa naman ang paningin ng pasyente? - Lucas
Sagot Ang cataract o katarata ay ang panlalabo ng ‘lente’ ng ating mga mata.

Maaaring magkaroon ang isa o magkabilang mata. Ang sintomas ng katarata ay panlalabo ng paningin lalo na sa gabi, mapusyaw na tingin sa kulay, pagkasilaw sa maliwanag na ilaw; pagdodoble ng paningin.
Upang makumpirma ang katarata, kailangang pumunta sa eye specialist upang isagawa ang mga kaukulang tests tulad ng visual acuity testing.
Ito ay ang pagsukat ng linaw ng mga mata sa pamamagitan ng eye chart.
Upang maeksaming maigi ang loob ng mga mata ay dilated eye exam ang ginagawa kung saan nilalagyan ng gamot na pampalaki o pang-dilate ang pupil o itim ng mga mata. Ini-examine ng eye specialist kung maayos ang retina, isang parte ng mga mata na kumbaga sa camera, ito ang plaka o film.
Tinitingnan din ang optic nerve, ang nerve na nagta-transmit ng signal mula sa mata papunta sa ating utak.
Ang panghuli ay ang tonometry na sumusukat ng pressure ng ating mga mata. Mahalagang ang lahat ng ito ay normal upang masiguro na katarata lamang ang dahilan ng paglabo ng mga mata.
Ilan ang uri ng katarata?
Karamihan nito ay dahil sa katandaan ngunit, mayroong mga katarata na ang sanhi ay glaucoma, dala ng diabetes o dahil sa paggamit ng steroid. • Ang traumatic cataract ay sanhi ng sugat o pagkabugbog ng mga mata. • Ang congenital cataract ay nagsisimula sa pagkapanganak. • Ang radiation cataract ay nakukuha sa radiation tulad ng x-ray.
Gayunman, kung bago pa lamang ang cataract, maaaring mapaigi ang paningin sa pamamagitan ng bagong eyeglasses o anti-glare sunglasses.
Kailangang operahan na ang katarata kapag nakaaapekto na ito sa mga karaniwang gawain tulad ng pagbabasa, pagmamaneho, panonood ng
telebisyon at iba pa.





Comments