top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Todo-banat sa network, niresbakan… Sen. Bato, ikinumpara ng writer ng ABS-CBN kay Kokey

  • Ador Saluta
  • Feb 21, 2020
  • 2 min read

Nawindang ang award-winning writer at ABS-CBN creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario sa 5.3K shares at 5K likes ng kanyang Facebook post tungkol kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Ayon kay Ms. Mel, natulog lamang siya noong February 18 ng gabi (Martes), pero paggising niya kina­bu­kasan, February 19, naloka siya sa dami ng shares ng FB post na bumulaga sa kanya.

Sa mga nagpoprotestang empleyado ng ABS-CBN laban sa diumano’y pang­gi­­gipit ng gobyerno sa kani­lang pinaglilingkurang kumpanya, isa si Mel sa mga nag-post ng witty at funny reaction tungkol sa pahayag na ito ni Sen. Bato:

“Anyway, regardless kung ilan ‘yun, what’s 11,000 compared to the whole Filipino nation na matagal nang sinaman­talahan ng isang kumpanya kung tala­gang ma-prove ‘yan sa hearing na pinagsaman­­tala­han ang sam­bayanang Pilipino.”

Umani nang katakut-takot na batikos si Sen. Dela Rosa mula sa mga ABS-CBN supporters dahil sa opin­yon nito tungkol sa Kapamilya Network pero marami ring kampi at pumuri sa kanya.

Tulad ng isang tunay na Kapamilya, sinagot ni Mel ang senador pero sa naka­ka­­tawang paraan. Ginamit ng screenwriter na halim­bawa ang TV character na si Ko­key sa kanyang sagot kay Senator Bato.

Aniya sa Facebook post: “Ipapaalala ko lang na hin­di nagkulang ang ABS sa ‘yo.

“1997 iniluwal ka at bi­nigyang-buhay. 2007 itinu­ring ka pang Bespren na Okey.

“2010 binuhay ka uli at mi­nahal. 2017 inabala ka para tumingkad via digital restoration.

“‘Tapos ganito isusukli mo sa lahat ng ginawa ng ABS. Bakit?

“Sana bumalik ka na lang sa planeta mo.”

Si Kokey ang alien character na naging bida sa 2007 primetime series ng ABS-CBN. Pero unang na­bigyan ng buhay si Kokey sa peli­kula ng Star Cinema noong 1997.

Ikinukumpara ni Mel si Kokey kay Senator Bato dahil sa kanilang “resemblance.” Pero higit na ki­na­tu­tuwaan ng mga Kapamilya employees ang alien character kesa sa senador na kritiko ng ABS-CBN.

Sa short conversation ng Cabinet Files kay Mel ka­hapon ng umaga (February 20), nilinaw niyang personal opinion niya ang pagkukumpara kay Kokey at sa senador.

“Basta opinion ko ito, personal bilang kasama ako sa gumawa ng Kokey at Ako with Wenn [Deramas],” ani Mel.

Ang Kokey at Ako na napanood sa ABS-CBN noong September 2010 hanggang December 2010 ang sequel ng 2007 fantasy drama series.

Nang itanong kay Mel kung posible bang muling magkaroon ng Kokey series na siya ang writer at si Senator Bato ang bida, walang pag-aalinlangan ang sagot niyang… “Oh, my gosh, mas angkop ata ay original entitled Bato Bato Pick!’”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page