P-Digong, bagong Marcos, mas matapang at may ‘balls’
- Ka Ambo
- Feb 21, 2020
- 1 min read
Isa sa mga korup na bansa ang Pilipinas sa buong Asia.
‘Yan ang itinuro ng U.S. at China sa mga Pinoy!
◘◘◘
IDINEKLARA ni ex-P-Marcos ang Martial Law upang mawala ang korupsiyon.
Nilikha niya ang Sandiganbayan at Ombudsman kontra sa korupsiyon!
◘◘◘
PINAKASUHAN ni ex-P-Marcos ang mga backsliders sa Bagong Lipunan kaya nilikha rin niya ang tanggapan ng Solicitor General.
Kongkreto at malinaw ang desisyon, aksiyon at programa ni Marcos laban sa korupsiyon!
◘◘◘
PERO walang kilos o aksiyon laban sa korupsiyon ang mga pumalit kay Marcos sa Malacañang.
Sa totoo lang, siya pa ang inakusahan nilang nagnakaw!
◘◘◘
KUNG magnanakaw siya, dapat walang LRT, walang reclamation area na ibinenta ni FVR sa mga oligarko.
Walang CCP, FAT, San Juanico Bridge, walang NAIA, walang UL Complex, walang sementadong kalye sa kasuluk-sulukan ng bansa, walang eskuwelahan sa mga liblib na lugar, walang provincial hospital, walang Heart Center, walang Lung Center, walang general hospital, walang housing project, walang geothermal, walang Malampaya gas field, walang West Philippine Sea (WPS), walang Sabah claim, walang agribusiness, walang NFA, walang BFAR, walang DAR at walang Napolcom!
◘◘◘
LIBU-LIBONG presidential decree na nilagdaan ni Marcos ang nagsisilbing pundasyon ng Republika ng Pilipinas.
Kapag ipinawalambisa ang lahat ng decree ni Marcos, biglang guguho ang gobyerno!
◘◘◘
KAPAG binura si Marcos at ang kanyang legacy sa kasaysayan ng Pilipinas, matutulad ang Pilipinas sa Syria, Afghanistan, Iraq at Yemen.
Pagpapartehan ang yaman at teritoryo ng Pilipinas ng U.S. at China!
◘◘◘
ANG independent foreign policy ni P-Digong ay isang ideolohiyang kinopya at hinango sa konsepto ni Marcos.
Si P-Digong ang modernong Marcos na nagkatawang tao — mas matapang at may yagbols!





Comments