top of page

Hinabol ng lalaki at binigyan ng payong na pula, sign na nakasuot ng pula ang magiging asawa

  • Socrates Magnus
  • Feb 21, 2020
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Armeli na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin ng may humabol na lalaki sa akin at ibinigay ‘yung payong na pula na naiwan ko, pero habang naglalakad ako, may nadaanan akong bahay na puro bulaklak na pula at pink at may matandang babae na nakapula rin?

Tapos, naglakad ulit ako at may nadaanan naman akong bahay na naka-padlock, kaya lang, ‘yung susi ay nakakabit du’n sa padlock, pero hindi ko binuksan.

Naghihintay,

Armeli

Sa iyo Armeli,

Nakagugulat ang iyong panaginip dahil ito ay nagsasabing isang nakapulang lalaki ang magiging karelasyon mo at sa huli ay magiging asawa mo.

Magiging sobrang memorable sa iyo ang mga bagay na pula tulad ng payong, mga bulaklak at kasuotang pula.

Red is the color of your world, ito ang sabi ng iyong panaginip.

Ang red ay color of love at ito rin ang kulay na suwerte sa negosyo, kaya pula ang paboritong kulay ng mga makikitang yumayaman.

Maglagay ka ng pula sa iyong damit nang mabilis mong makilala ang iyong “red right man”, gawin mo ito dahil the same color attracts each other.

Sa kabuuan, ang iyong panaginip ay nagsasabing magkakaroon ka ng very successful marriage life.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page