DDS, todo-banat sa DOS, dedma sa P50 bilyong utang sa POGO ng mga Chinese
- Pabs Hernandez III
- Feb 21, 2020
- 2 min read
MGA DDS, GALIT NA GALIT SA ABS-CBN KAHIT WALANG UTANG NA TAX, PERO DEDMA SA MGA POGO NA BILYUN-BILYON ANG UTANG SA GOBYERNO — Kahit sinabi na ni BIR Deputy Comm. Arnel Guballa na walang utang na buwis ang ABS-CBN, todo-sigaw pa rin ang mga DDS na ipasara ang Kapamilya Network.
Pero sa isyung ibinulgar ng isa pang BIR deputy commissioner na si Atty. Sixto Dy na may P50 billion utang na tax sa pamahalaan ang mga Chinese na may-ari ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), dedma lang ang mga DDS, mga buwisit!
◘◘◘
PARA KAY MOCHA, NAGDADRAMA LANG ANG 11K WORKERS AT TALENTS NA POSIBLENG MAWALAN NG TRABAHO KAPAG TULUYANG NAIPASARA ANG ABS-CBN — Sa post ni Mocha Uson sa social media, sinabi nitong tantanan na raw ng mga taga-ABS-CBN ang drama at harapin na lang daw ang kasong ‘quo warranto’ na isinampa ni Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court (SC) na may layuning ipasara ang Kapamilya Network.
Ganu’n? Para kay Mocha, drama lang ng nasa 11K workers at talents ang pangamba nilang mawawalan sila ng trabaho kapag na-shutdown ang ABS-CBN? Tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
BAKA KAY P-DUTERTE MAG-BOOMERANG ANG HAMON NI ROBIN KINA COCO, ANGEL AT DINGDONG TUNGKOL SA PAGLALANTAD NG BANK ACCOUNTS — Kamakailan, hinamon diumano ni Robin Padilla ang mga nagtatanggol sa ABS-CBN na sina Coco Martin, Angel Locsin at Dingdong Dantes na ilantad sa publiko ang kanilang mga bank account.
Sablay ang tirada ni Robin kasi malamang, kay P-Duterte mag-boomerang ang hamon niya kapag naalala ni ex-Sen. Antonio Trillanes IV ang hamon niyang “sign the waiver” sa pangulo at sabihan siya (Robin) na ang dapat ilantad sa publiko ay ang mga bank account ng pangulo at hindi ang kina Coco, Angel at Dingdong, boom!
◘◘◘
MGA ‘BUWAYA’ SA BI, DAPAT KASUHAN AT IKULONG — Sinibak na ni P-Duterte ang lahat ng mga opisyal at tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa sistemang “pastillas” o pagtanggap ng lagay para sa VIP treatment sa mga Chinese na magtatrabaho sa mga POGO sa bansa.
Ganu’n, bakit sibak lang? Dapat sa mga “buwayang” ‘yan sa BI ay sampahan ng kaso at ikulong, period!





Comments