Turismo ng ‘Pinas, bagsak dahil sa COVID-19
- Nancy Binay
- Feb 20, 2020
- 2 min read
Nancy Binay / Be Nice Tayo
Nitong Lunes, ibinalita na nalagpasan ng bansa ang target para sa international tourist arrivals na 8.2 million tourists noong 2019 sa pagkakatala ng 8.26 million tourist arrivals noong nakaraang taon.
Umabot sa 15.24 percent ang pagtaas nito mula sa 7.16 million international arrivals noong 2018.
Nagtagumpay tayo sa pagkamit ng target na ito dahil sa pagtutulungan o convergence ng iba’t ibang sektor.
Maituturing din na banner year ang taong 2019 dahil sa pagkamit natin ng internasyonal na pagkilala tulad ng World’s Leading Dive Destination sa 2019 World Travel Awards, Asia’s Leading Tourism Board sa 2019 World Travel Awards at Excellent Partner Award para sa Sustainable Efforts sa Boracay.
Ang hamon para sa buong industriya ay tapatan o higitan pa ang achievement na ito.
◘◘◘
SAMANTALA, sa ngayon, malaking balakid ang banta ng COVID-19 sa pagkamit ng tourism targets ng bansa.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), P42.9 bilyon ang nakatakdang mawalan ng revenue mula ngayong February hanggang April dahil sa COVID-19.
Ngayong February, ang projected loss ay aabot daw ng P16.8 billion.
Gayunman, tiwala pa rin tayong sa kabila ng hamon na ito ay makare-recover pa rin ang Philippine tourism.
◘◘◘
RESPONSIBILIDAD ng buong industriya, kasama ang pamahalaan na siguruhing patuloy na makikinabang ang ating mga kababayan sa multiplier effect ng turismo.
Asahan ninyong bilang chairperson ng Senate Committee on Tourism, lalo pa nating paiigtingin ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang stakeholders sa industriya.
Lahat ng hamon ay malalagpasan kung magbubuno tayo ng lakas at panahon. Hindi magiging madali, ngunit, tayo ay makaaalpas.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments