Sanhi at lunas sa constipation
Dear Doc. Shane, Hirap akong dumumi at minsan ay umaabot ng tatlo hanggang apat na araw ay hindi pa rin ako dumudumi. Ano ba ang mabilis na panlunas sa constipation? - Linda

Sagot Ang pagtitibi, constipation o hirap sa pagdumi ay sintomas at hindi sakit, kaya ang lunas dito ay nakadepende sa anumang sanhi nito. Pero may pangkalahatang prinsipyo na maaaring gawin ng mga taong may ganitong karamdaman:
Kumain ng mga prutas at gulay na mataas sa ‘fiber’. Ang fiber sa pagkain ay nagpapalambot ng dumi.
Uminom ng maraming tubig dahil baka kaya matigas ang dumi ay dahil kulang sa tubig.
Maaaring magreseta ng gamot ang iyong doktor na tinatawag na mga ‘laxative’ — ang iba rito ay puwedeng inumin o inilalagay sa puwit (suppository). Ito ay para lamang sa mga sitwasyon na hindi tumatalab ang ibang mga solusyon at dapat magpatingin muna sa doktor bago gumamit ng mga ito.
Gayunman, magpatingin agad sa doktor kung may kasamang pagdurugo, sakit ng tiyan, pagbabago ng kulay ng dumi at iba pang sintomas at pagtitibi.





Comments