top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

POGO, ipatigil na bago isipin ng madlang pipol na protektor ang gobyerno

Pabs Hernandez III
Feb 20, 2020
2 min read

HINDI DAPAT NAGSALITA NANG TAPOS LABAN SA ABS-CBN SI SEN. DELA ROSA—Matapos ihayag ni Sen. Christopher “Bong” Go na pabor siya sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN dahil ayaw niyang maraming mawalan ng trabaho, sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na bagama’t, nababatikos ni P-Duterte ang TV network ay ayaw daw ng pangulo na magsara ito.

Sa kabila nito, nagsalita na nang tapos si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kung saan sinabi nitong dapat lang i-shutdown ang Kapamilya Network at wala rin siyang pakialam kung mawalan man ng trabaho ang mga manggagawa nito.

Kung sakaling magkaprangkisa ulit ang ABS-CBN at hindi ito i-veto ni P-Duterte, si Sen. Dela Rosa lang ang lalabas na kontrabida at maiiwang pinuputakti ng batikos ng publiko, period!

◘◘◘

SA MGA NAGING SOLGEN., SI CALIDA ANG PINAKA-BAD—Humirit si Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court (SC) na magpalabas ng gag order para raw pigilan ang ABS-CBN management at mga workers at talents nitong maglabas ng kanilang saloobin kaugnay sa isinampa niyang “quo warranto” na magtatanggal ng prangkisa at magpapasara sa Kapamilya Network.

Para sa atin, sa lahat ng mga naging SolGen, si Calida ang pinaka-bad kasi ang gusto niyang mangyari, manahimik na lang sa isyu ang mga taga-ABS-CBN at hintayin na lang mag-shutdown ito at maging “tambay” ang libu-libong manggagawa nito, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

JUETENG, HUMAHATAW NA RIN SA BICOL—Hindi lang pala sa Masbate humahataw ang operasyon ng jueteng kundi pati na rin sa Camarines Sur at Albay, pawang sa Bicol Region.

Kapag ang mga tauhan ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa sa Integrity and Monitoring Enforcement Group (IMEG) ay nakahuli ng mga kubrador ng jueteng sa tatlong probinsiyang ‘yan, malamang ay sibak ang abutin sa puwesto nina PNP-Region 5 Director Anthony Alcaneses, Masbate PD Col. Joriz Cantoria, Camarines Sur PD Col. Roderico Roy at Albay PD Col. Wilson Asueta, abangan!

◘◘◘

DAPAT IPATIGIL NA ANG MALA-SINDIKATONG OPERASYON NG MGA POGO—Maraming senador at kongresista na ang nanawagan kay P-Duterte na ipatigil na ang mala-sindikatong operasyon ng mga Chinese na nagmamay-ari ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) dahil nasasangkot ito sa prostitution, kidnapping at iba pang krimen sa bansa.

Dapat pakinggan ng Malacañang ang panawagang ito ng mga mambabatas kasi kung dededmahin lang nila ay lalabas na ang protektor ng mga POGO ay ang misong gobyerno, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page