P3.3-M ng Philracom para sa Calamity Fund

Nagkaloob ang Philippine Racing Commission ng P3,340,000 sa iba’t ibang charities sa lugar na sinalanta ng kalamidad simula noong 2016. Sa pamamagitan ng charity races binigyan ng tulong ang mga sinalanta ng kalamidad.
“As a loyal servant under the Office of the President, the Philracom aids and supports President Rodrigo Duterte’s various social responsibilities,” sabi ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez. “Helping our fellow Filipinos is part of our duty of giving back to the community.”
Noong Pebrero 2, 2020 tumanggap ng benepisyo ang mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal sa pamamagitan ng charity race sa San Lazaro Leisure Park na pinamunuan ng De La Salle Lipa Class 1970 Association.
Sa araw ding iyon, dalawa pang charity races ang isinagawa sa Manila Jockey Club na karerahan, na tumulong sa mga biktima ng bagyong Ursula sa Munisipalidad ng Bulalacao Oriental Mindoro (Rotary Club of Calapan Volunteer Group, Inc.) at naglikom ng pondo sa pangangailangan ng mga nasalanta ng kalamidad (Philippine Red Cross-Manila Chapter).
Noong Agosto 25, 2019, nagsagawa rin ng charity races para sa mga biktima ng lindol sa Batanes at Northern Mindanao.Tumulong sa pagbibigay ng santuario para sa mga walang tahanan at may sakit na naninirahan sa kalye, namahagi ng pondo para sa pag-aaral ng mga batang nakulong ang mga magulang sa pamamagitan ng Probinsiya ng Basco, Batanes, Rotary Club of Manila Bay, AJ Kalinga Foundation at Philippine Jesuit Prison Service Foundation Inc.
Noong 2017, sa ilalim ng Opisina ni Executive Secretary Salvador Medialdea, nagsagawa ang Philracom ng anim na charity races sa San Lazaro Leisure Park, Saddle and Clubs Leisure Park at sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas para sa rehabilitation ng Marawi City.
Noong Pebrero 25, 2016, nakipagtulungan ang Philracom sa Munisipalidad ng Baco, Oriental Mindoro para makapaglikom ng pondo para sa mga biktima ng Bagyong Nona sa mga karerang isinagawa sa Saddle and Clubs sa Naic, Cavite.
Samantala, magaganap ngayong gabi ang Winner Take All carry over na P673,782.91 sa pagtikada ng Additional One Win in group Race sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas. Sa Race 1, kung saan magsisimula ang WTA ay ipinapatok ang Lady of Peace gayundin ang Race 2, ipinapatok din ang The Best Ever kung saan magsisimula ang Pick 6.
Sa Race 3, simula ng Pick 5 sinisiguro ang Rockaway habang ang Oh Lala ang magsisilbing kalaban, sa Pick 4 sa Race 4, nakalalamang ang Kiwi Rose, makakalaban ang Birth Right at I Love Ninetyseven.
Sa Race 5, maghaharap ang couple entry na Jawo at Beyong D’ Sea kontra Himig at Mount Pulag habang sa Race 6 nakalalamang ang Jacqueline habang maglalabanan ang Pabulong at Misaka.
Sa Race 7 nakalalamang ang Don Damiano laban sa mga katunggali na Beastmode, daldalero at Apo ni Maria.





Comments