top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mag-utol na tinalo ng Cayetano Brothers sa Taguig, todo-apela, nanggulo, kinasuhan

  • Ka Ambo
  • Feb 20, 2020
  • 2 min read

KINASUHAN pala ng illegal assembly ang mag-utol na natalong kandidato bilang mayor at kongresista sa Taguig.

Natalo na, may kaso pa!

◘◘◘

INIREKLAMO ang mayoralty bet na si Arnel Cerafica at ang kanyang kapatid na si Allan na kumandidato namang kongresista noong May 2019 elections.

Inakusahan sila ng panggugulo dahil wala umanong permiso ang ginawa nilang protesta na nagbunsod ng matinding trapik!

◘◘◘

NAGSAMPA ng kaso ang mga miyembro ng Jeepney Operators and Drivers Associations (JODA) nitong Lunes dahil sa serye ng “illegal assemblies and public and tumultuous uprisings” na naganap noong May 14 at 23, 2019.

Tinukoy sa demanda ang inciting to sedition, illegal assemblies, public disorder at violation of BP No. 880!

◘◘◘

HINDI raw matanggap ng mga talunang kandidato ang kanilang kapalaran kaya nagpasimuno ng illegal assembly.

Ito ay matapos magwagi sina dating Sen. Alan Peter Cayetano at Congressman and filmmaker Lino Cayetano nang malaking agwat!

◘◘◘

DAMAY din sa kaso ang ibang lider ng protesta. Inakusahan ng mga complainants na gumawa sila ng ilegal na pagtitipon sa mismong kahabaan ng Pedro Cayetano Boulevard noong May 14.

“The tumultuous nature of the illegal assemblies is readily apparent from the use of loud speakers, blaring of music, honking of horns and loud shouts of respondents John and Jane Does,” pagdiriin sa reklamo!

◘◘◘

HANGGANG ngayon ay mainit pa rin ang politika sa Taguig.

Dapat maghintay na lang tayo sa susunod na eleksiyon sa 2022 — at taumbayan ang hahatol sa mga ito!

◘◘◘

NAGPIYANSA na ang grupo ni Sen. Antonio Trillanes IV sa hiwalay na kaso ng sedisyon dahil sa ikinalat na “fake news” noon ding Mayo, 2018 elections.

Sinira nila ang reputasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para lang matulungan ang mga kandidato ng oposisyon!

◘◘◘

GINAMIT ang social media sa pekeng balita na nang kalaunan ay binawi at itinatwa rin ng mga ‘nag-expose’.

‘Yan ang problema ngayon, mahabang pagdinig ang inyong kahaharapin dahil sa inimbentong senaryo.

He-he-he!

◘◘◘

DAPAT maunawaan ng mga netizens kung ano ang totoong balita, alin ang propaganda at fake news.

Sa aktuwal ay madali lang matukoy ang pagkakaiba ng mga ‘yan.

Ang totoong balita o impormasyon ay nagmumula sa main stream media — dahil ito ay pinoproseso at nagdaraan sa masusing pagsusuri ng mga editor.

Mananagot sa editor ang mga “writer” ng maling balita at mananagot sa publisher o may-ari ng media outfit ang mga palpak o “bayarang editor”!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page