top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Binanatan ng madlang pipol vs. ABS-CBN, to the rescue sa BFF… Sigaw ni Robin: Sen. Bato, bayani!

  • Janice DS Navida
  • Feb 20, 2020
  • 2 min read

Hindi busy si Robin Padilla at wala siyang show sa ABS-CBN ngayon kaya marami siyang time na maglabas ng kanyang saloobin sa socmed kaugnay ng kinakaharap na malaking problema ng network sa franchise renewal.

Pagkatapos ngang banatan ni Binoe ang Kapamilya Network (na ewan kung after all these issues ay magiging magkakapamilya pa rin ang turingan nila), maging si Coco Martin na ibinulgar niya ang mga diumano’y bad attitude sa ‘maliliit’ na manggagawa sa production, heto at to the rescue naman agad si Robin sa kanyang BFF na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Nag-trending nga kasi sa socmed ang hirit ni Sen. Bato na biased siya kay Pangulong Rodrigo Duterte at tipong wala siyang pakialam kung mawalan man ng trabaho ang 11,000 empleyado kapag naipasara nang tuluyan ang ABS-CBN.

Sa Instagram, nag-post si Robin ng pagtatanggol sa senador na minsan na niyang ginampanan sa pelikula ang life story.

Panimula ng post ni Binoe, “I know the MAN, I portrayed him. It was an honor portraying a War Hero.”

Para namang patutsada kay Coco Martin ng Ang Probinsyano ang kasunod na sinabi nitong may tipong pagkukumpara.

“He was the real probinsiyano policeman. He is Cardo Flesh and Blood not only in the jungles of our deep provinces but in the jungles of our streets,” sabi ni Robin.

Dagdag pa niya, “Marahil isa na siyang politiko ngayon kaya’t maari na siyang personalin sa mga tira, banat at pasaring na mga salita katulad din ng mga ipinupukol kay living hero Senator Manny Pacquiao. Hindi naman manipis ang mga ‘yan pero ‘wag naman for the sake of their service.”

Kasunod nito ay ipinamukha nga ni Robin sa lahat ang mga kabayanihang ginawa ni Sen. Bato para sa Filipino people.

“‘Wag natin po kalimutan ang mga kabayanihan ng mga taong ito, literally they made the Pilipino spirit live in the hearts of our countrymen especially to our soldiers and policemen who are on call in giving their life and sacrificing their most precious families.

“The Man is the meaning of duty to the country and loyalty to the Flag whatever he is accused now and presently undergoing sanction from a foreign government. We should be on his side. How can we talk about freedom when senators from another country are exerting their sovereignty on us?”

May mga um-agree naman sa sinabi ni Binoe, pero may mga nabasa rin kaming comments ng netizens na kumukuwestiyon sa pagiging bayani ni Sen. Bato.

Sey ni msvayowla, “Killed innocent Filipino kids on his war on drugs because of his loyalty to his master.”

Komento naman ni soberjoycee, “Pero ‘di ba po, dapat ang loyalty ay hindi sa tao? Kundi sa sinumpaan niyo nu’ng nanalo kayo na to protect the country and its people. Baka po naiiba na ‘yung views naten.”

So, ano nga ba’ng basehan ng pagiging totoong bayani? Ang alam na lang kasi naming bayani ngayon ay si Bayani Agbayani. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page