top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Trike vs. motor, 2 patay

Levi Gonzales
Feb 19, 2020
1 min read

Dalawa ang kumpirmadong nasawi habang isa ang sugatan matapos magsalpukan ang dalawang sasakyan sa Bgy. Sambat, Tanauan City, Batangas.

Alas-3:45 ng madaling-araw, minamaneho ng biktimang si Marvin de Belen, 27, pandesal vendor, ng Bgy. Talaga, ang kanyang tricycle kasama ang nasawing angkas na si Aiko Leonor.

Sinalubong umano sila ng motorsiklo sakay ang nasawing si Jose Jay-R Ragonton, 26, ng Bgy. Sambat at sugatang angkas nitong si Elbert Lorica, kung saan kinain ang kanilang linya dahilan ng matinding salpukan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page