Todo-regalo nu’ng V-DAY, nganga na kinabukasan, Pinoy nga naman!
- Imee R. Marcos
- Feb 19, 2020
- 1 min read
Taun-taon na lang ay talagang hindi mahulugang-karayom ang bagsakan ng mga bulaklak sa Dangwa Flower Market sa dami ng mga gustong bumili para ialay sa kanilang mga minamahal.
Siyempre, tiba-tiba ang ating mga friendship na mga tindera ng bulaklak dahil halos pakyawin ang kanilang mga paninda ngayong panahon ng pag-ibig.
Ang mga galanteng ‘papa bears’ ay hindi inalintana ang pagbili ng mga mamahaling bulaklak kung saan pikit-mata silang bumili ng mga doble-presyong rosas para ialay sa kanilang mga diyosa. Nataon pang suweldo, kaya ang daming nag-one-day-millionaire!
Pero, after nitong weekend, ano na, mga k’yah? Tutunganga na lang tayo dahil butas na ang bulsa?
Hay naku, ang mga Pinoy nga naman, kahit ano’ng hirap ng buhay, may time pa rin para magpa-impress!
Sa panahon ngayon, dapat maging praktikal tayo sa pagreregalo sa ating mga minamahal.
Biruin n’yo, ha? Ang bouquet ng bulaklak ilang araw bago ang Valentine’s Day ay umabot na ng P2,500 hanggang P4,000 at mas tumaas pa noong mismong Araw ng mga Puso.
Jusko, ‘day! Mano ba namang ibinili na lang siguro ito ng isang sakong bigas o ipinang-grocery na lang para sa isang linggong ulam! Praktikal, ‘di ba? Tiyak, doble-saya ng pagbibigyan!
Kaya next year, maging praktikal at “wais” tayo mga k’yah! You never know, baka mas type ‘yan ng ating mga ghorls! Ha-ha-ha!
Wala sa mahal na bulaklak ‘yan kundi nasa diskarte!





Comments