Saso at Ardina Top Lady golfers, bibira sa Australia

Matibay pa rin ang tsansa nina Yuka Saso at Dottie Ardina na makapaglaro bilang kinatawan ng Pilipinas sa women’s golf sa nalalapit na Tokyo Summer Olympics matapos silang lumahok at makasabay sa oposisyon sa Australia.
Nasa pang 49 na puwesto si Saso sa listahan ng mga papayagang pumalo sa Tokyo habang nakabuntot sa kanya si Ardina sa pang-50 puwesto.
Ang Pinay-Haponesa ay tangan ang pang-287 na upuan sa world ranking habang umakyat naman ang dating premyadong jungolfer sa pang-289 na posisyon mula sa pagiging Top 300. Ang kababayang si Clarisse Guce ang kanilang back-up sa top 60.
Ayon sa panuntunan, ang unang 15 lady golfers sa world ranking ay awtomatikong kabilang sa mga kalahok sa Tokyo pero hindi dapat lumagpas sa apat ang kalahok ng isang bansa.
Ang mga mapapabilang naman sa pang-16 hanggang 60 baytang ay swak din sa Olympics basta hanggang dalawang manlalaro lang ang maaaring ipadala ng isang bansa. Ang cut-off sa women’s golf ranking para sa pataasan ng puwesto ay sa Hunyo 29, 2020.
Dahil dito, ang double Asiad Games gold medalist at Youth Olympic Games silver medalist na si Saso ay may tsansa na sa podium ng Summer Olympics. Sariwa si Saso sa pagiging top 25 ng katatapos na Ladies Professional Golf Association (LPGA) 2020 Australian Open.
Sa kabilang dako, ang pambato ng Canlubang na si Ardina ay kasalukuyang tumatrangko sa Clubcar series ng 2020 Australian Ladies Professional Golf (ALPG).
Galing din siya sa isang top 20 na performance sa ISPS Handa Vic Open ng Australia.





Comments