Piktyur ng mag-asawa sa ABS-CBN, inireklamo… Fans ni Regine, 'di pa rin ma-take na si Ogie ang a
- Nitz Miralles
- Feb 19, 2020
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Salamat, Kapamilya ang title ng isinulat na kanta nina Ogie Alcasid at Louie Ocampo bilang suporta sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Dedicated nina Ogie at Louie sa mga loyal supporters at viewers ng network ang song at walang karapatang mag-comment ang mga hindi nanonood ng ABS-CBN. Kaya lang naman nag-aaway-away online ay dahil sa pakikialam ng iba.
Anyway, bilib kami kay Ogie na hindi pinapatulan ang mga bashers na walang magandang masabi tungkol sa kanya. Pumatol man si Ogie, ‘yun ay para lang linawin ang isyu at para ipagtanggol si Regine Velasquez.
Sunud-sunod ang pamba-bash kina Ogie at Regine. Ang nakalulungkot , may mga fans si Regine na parang hindi pa rin tanggap na asawa nito si Ogie. Pati kasi ang paglalagay ng photos sa hallway ng ABS-CBN na magkasama sina Ogie at Regine, issue pa rin sa mga solid fans ng Songbird.
Nagreklamo pa nga sa ABS-CBN ang ilang fans ni Regine, unfair daw na pagsamahin sa isang photo ang mag-asawa, deserve raw ng Asia’s Songbird ang solo picture. May mga binanggit pa ang mga fans na hindi magandang salita.
Siguradong magagalit nito si Regine sa mga fans niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap si Ogie.





Comments