top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Obiena, itataas pa ang sukat ng talon para sa Olympics

  • Gerard Arce
  • Feb 19, 2020
  • 2 min read

Malaki ang paniniwala ni 2020 Tokyo Olympics-bound Ernest “EJ” Obiena na makakayanan niyang makakuha ng medalya sa Summer Games kung sakaling maabot nito ang tinatarget na marka ngayong taon. Kasalukuyang nasa matinding paghahanda ang 30th SEAG gold medalist sa men’s Pole Vault sa Formia, Italy sa Europa upang makamtan nito ang inaasam na medalya sa quadrennial meet.

Ayon kay Obiena, kung pagbabasehan umano ang resulta ng nakalipas na 2016 Rio Olympics edition, kinakailangan na lamang niyang umangat ng 4cm upang makuha ang bronze medal na kinuha noon ni Sam Kendricks ng Estados Unidos.

Ngunit, dahil umano sa matinding pagsasanay ng mga manlalaro sa pandaigdigang kumpetisyon, inaasahan nitong mas tataas pa ang itatalon ng mga ito, kung kaya’t iniisip niyang kailangan niyang makuha ang 5.90cm para makamit ang medalya. “It depends, if we are going to see the last result of the Olympics, I just need 4 cm to get the bronze, so that’s close, but in my head, like I’m just predicting that these athletes will be jumping a way higher, so I just want to jump a little more than them,” pahayag ni Obiena. Kung kaya’t nito lamang nakalipas na linggo ay kumamada na naman ng panibagong tala si World number one Armand Duplantis sa ikalawang pagkakataon sa loob lamang ng walong araw. Muling nilampasan ng American-born Swede ang kanyang nakuhang world record ng isang sentimetro nang tumalon ito ng 6.18 meters sa Glasgow Indoor Grand Prix noong Sabado.

Winasak ni Duplantis ang naimarka niyang rekord na 6.17-meters na tinalon sa Torun, Poland, isang linggo matapos kunin ang bagong marka. “This was such a great competition,” wika ni Duplantis nang igawad sa kanya ang world record bonus check na nagkakahalaga ng $30,000. “There was such great energy the crowd was giving me and I really thrive off that,” dagdag nito.

Sinimulan ng 20-anyos Pole Vaulter ang kanyang talon sa 5.50-meters, na sinundan ng 5.75-meters. Nagawa pang lampasan nito si two-time World champion Sam Kendicks ng Estados Unidos sa 5.84. Paunti-unti niyang inaangat ito sa 6.00 hanggang sa subukan nito ang isang attempt na 6.18-metro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page