Nag-away bago mag-Feb. 14… Andrea, ngumalngal nang suyuin ni Derek nu'ng V-Day

Photo: Andrek Vlog
Nagkatampuhan pala ang magkasintahang Andrea Torres at Derek Ramsay bago ang Valentine’s Day kaya todo-emote at ngumalngal na parang bata ang sexy actress nang bigyan siya ng surprise gift ng hunk actor.
Naaliw ang mga netizens kay Andrea. Sobra ngang minahal niya ang hunk actor kaya labis niyang ikinatuwa nang mag-effort si Derek na manuyo upang magkabati na sila noong Valentine’s Day, Feb. 14.
Hindi rin natiis ni Derek si Andrea at gumawa ng paraan upang maayos ang petty quarrel at tampuhan nila ng kanyang lady love kaya kulay rosas ang kanilang Valentine date.





Comments