top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Laban sa Gilas, kapag hindi itinuloy, Indons, magmumulta

  • VA
  • Feb 19, 2020
  • 2 min read

Ituloy ang nakatakdang hosting para sa opening window ng FIBA Asia Cup qualifiers ngayong darating na weekend, kabilang na rito ang laban nila kontra Gilas Pilipinas sa Pebrero 23 ang naging atas ng International Basketball Federation (FIBA) sa Indonesian Basketball Association (IBA).

Sinabi ng basketball world governing body na wala silang makitang “exceptional circumstances” para pagbigyan ang kahilingan na postponement ng IBA para sa dalawang qualifying games na nakatakda nilang i-host kabilang na ang laban nila sa Peb. 20 kontra South Korea dahil sa lumalaganap na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).Ipinadala ni FIBA Executive Director for Asia Hagop Khajirian ang liham na naglalaman ng kanilang mensahe sa IBA kahapon.

Ayon pa sa FIBA, sa liham ng Indonesian Ministry of Health na ipinadala sa kanila ay walang pinaiiral na travel ban sa mga galing ng South Korea at Pilipinas sa kasalukuyan at wala ring naiulat na kaso ng COVID-19 sa Indonesia.

Bukod dito, wala ring pagbabawal mula sa Indonesian government para sa mga “mass gatherings” at batid nilang may nakatakdang sporting events sa kanilang bansa ngayong weekend. Dahil dito, bilang national member federation ay inatasan ng FIBA ang IBA na gawin at ituloy ang kanilang mga official international activities at competitions na dapat isagawa. “Should IBA fail to adhere to its obligations, specifically through the failure to host the Games, it shall be liable to sanction in accordance to FIBA Internal Regulations,” saad ng FIBA sa liham nila sa IBA.

Nagpaalala rin ang FIBA na kung hindi gagampanan ng IBA ang kanilang obligasyon na i-host ang qualifiers ay may naghihintay na disciplinary fine sa kanila. “It must be underscored that refusal to play the Games would also result in a forfeit, along with the applicable penalties,” dagdag pa ng FIBA.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page