Edad 4 at 6 ni-rape ng 13-anyos

Inaresto ang 13-anyos na lalaki makaraang halayin umano ang dalawang kapwa menor-de-edad sa Dagupan, Pangasinan.
Batay sa paunang impormasyon ng pulisya, kapitbahay ng suspek ang mga biktima na edad anim at apat.
Naglalaro umano ang mga paslit na biktima nang tawagin ng suspek na itinago sa pangalang Miguel. Una umanong hinalay ang anim na taong gulang na babae at isinunod ang mas nakababatang babae.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang menor-de-edad ding suspek.
Samantala, inaresto rin ang isang lalaki sa nabanggit na lalawigan na 15-anyos na estudyante ang umano’y biniktima.
Niyaya umano ng suspek ang biktima na bumili ng sigarilyo ngunit, pinagsamantalahan niya ang dalagita sa bakanteng lote.





Comments