top of page

Dahilan kaya may leap year tuwing ika-apat na taon

  • Twincle Esquierdo
  • Feb 19, 2020
  • 1 min read

Pagkatapos ng apat na taon, finally, magkakaroon ulit ng leap year o February 29. Huling nagkaroon ng leap year noong 2016. Gayunman, ang mga taong ipinanganak ng Pebrero 29 ay nagdiriwang tuwing March 1 kapag walang leap year.

Pero alam n’yo ba kung kailan at sino ang gumawa ng leap year at bakit ito ginawa? Kung hindi pa, sabay-sabay nating alamin.

Nagkakaroon lamang ng leap year pagkalipas ng apat na taon. Kung ang tropical year ay 365.24 days, common year 365 days at leap year ay 366 days, nagkaroon ng leap year dahil kailangan nating mapanatili ang modern day.

Sinukat ito ng mga astronomers mula sa March equinox. Ayon sa mga eksperto, ang mundo ay umiikot ng 365.242189 days o 365 days, 5 hours, 48 minutes at 45 seconds na umiikot sa araw na tinatawag na tropical year.

Si Roman General Julius Caesar ang nag-implement ng “leap” sa kanyang Julian calendar at in-introduced niya ito noong 45 BC at ang leap day ay Pebrero 24 at huling buwan ng taon.

Gayunman, sa pagdaragdag ng araw kada apat na taon, taong 1582 nang ipinakilala ni Pope Gregory XIII ang Gregorian calendar na patuloy nating ginagamit hanggang ngayon.

Ang kalendaryong ito ay ginamitan ng tamang pormula para makuha ang tamang sukat para sa leap day na tinatawag ding bissextile years.

Ayan, mga ka-BULGAR, alam n’yo na kung kailan at kanino nagsimula ang leap year at anong dahilan kung bakit nangyayari ito kada apat na taon. Simple lang naman ang dahilan, ngunit, nakatulong din ito para sa ating kaalaman. Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page