"Bikoy", kalaban noon, tetestigo lang vs. Trillanes, hero na ngayon ng DDS
- Pabs Hernandez III
- Feb 19, 2020
- 2 min read
TRILLANES, MAY ‘BALLS’ HUMARAP SA KORTE; SOLGEN. CALIDA, ATRAS SA SENADO — Dumating na sa bansa si ex-Sen. Antonio Trillanes IV mula Amerika at dumiretso sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) para maglagak ng P10K piyansa kaugnay sa isinampang kasong sedition laban sa kanya ng gobyernong Duterte.
‘Yan si Trillanes, may “balls” na harapin ang mga “harassment case” sa kanya ng Duterte gov’t., hindi tulad ni SolGen (Solicitor General) Jose Calida na nang maibalitang isa-subpoena siya noon ng dating senador para kuwestiyunin ang multi-million peso contract na pinasok ng security firm ng kanilang pamilya sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan ay todo-hingi agad ng saklolo sa Supreme Court (SC) noong Nov. 2018 para huwag siyang (Calida) maigisa sa Senado, boom!
◘◘◘
PARA SA MGA DDS, HERO ANG MGA ‘SWINDLER’ AT ‘ESTAPADOR’—Nang sabihin ni Atty. Larry Gadon, abogado ni ex-convict Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy” na tetestigo ito sa kasong sedition laban sa grupo ni Trillanes, eh, ang mga DDS ay halos magpiyesta sa tuwa.
Mantakin n’yo, si “Bikoy” na may mga kasong swindling at estafa na mahilig gumawa ng mga “kuwentong-kutsero”, ang tingin na sa kanya ngayon ng mga DDS ay “hero”, ha-ha-ha!
◘◘◘
‘NO CONTACT POLICY’ SA CUSTOMS, WALANG SILBI—Mahigpit nang ipinairal ni Comm. Rey Leonardo “Jagger” Guerrero ang “no contact policy” sa Adwana. Ibig sabihin, bawal na ang mga smugglers na makipagtransaksiyon sa mga tanggapan sa Bureau of Customs.
Kung inaakala ni Guerrero na epektibo ‘yan ay nagkakamali siya dahil hindi na sa loob ng Adwana nagaganap ang transaksiyon sa pagitan ng mga “buwayang” Customs officials at mga smugglers kundi sa ilang hotel sa kahabaan ng Roxas Boulevard, period!
◘◘◘
ILANG HOTELS SA ROXAS BLVD., DAPAT PAMANMANAN NI GUERRERO —Kung sinsero si Guerrero na malinis ang Customs sa korupsiyon, pamanmanan niya sa kanyang mga Intel operatives ang mga hotel sa Roxas Blvd..
Kapag ginawa niya ‘yan, malaki ang tsansa niyang matimbog ang mga smugglers na sina “Joel T.”, “Jojo S.”, “Davidson”, “Boy Valenzuela”, “Kimberly”, “Big Mama”, “Doray”, mag-inang “Tina U.” at “Bebang”, at mga kasabwat nilang mga tiwaling Customs officials, boom!





Comments